Super Tekla at Donita Nose, nagbahagi ng blessings sa mga food delivery rider na nagdala ng kanilang mga order

Sa mundo ng showbiz ay marami ring kilala at sikat na mga comedians. Isa na rito ay ang kapuso comedians na sila Super Tekla at Donita Nose. Bukod sa pagpapatawa ng mga netizen at fans ay may mga mabuting puso rin ang dalawa na nais tumulong sa kapwa, lalo na sa mga nangangailangan at talagang gipit sa pera nitong p@ndemic.
Credit: Donekla in Tandem YouTube
Sa kanilang YouTube channel na “Donekla in Tandem” ay ibinahagi nila ang kanilang vlog kung saan ay namahagi silang dalawa ng blessings sa mga food delivery riders na maghahatid ng kanilang orders.
Naisip umano nilang gumawa nito dahil nasa ilalim ng ECQ ang kanilang lugar at para na rin makatulong sa mga riders na naging mahirap ang trabaho simula ng nagka-p@ndemya.
Credit: Donekla in Tandem YouTube
Ayon sa dalawang sikat na komedyante ay isa rin sila sa mga frontliners ngayong p@ndemya dahil sa panganib na dala ng kanilang pang araw-araw na trabaho.
“Ang hirap ng trabaho ng Grab, ha. Isa sila sa mga frontliners natin,” sabi ni Super Tekla.
Napagkasunduan ni Super Tekla at Donita na kinakailangang maging magalang o may positibong personalidad ang delivery rider at kahit makilala man lamang ng rider ang isa sa kanila upang mabigyan ng biyaya.
Credit: Donekla in Tandem YouTube
Sa mga delivery rider umano na papasa sa qualifications na kanilang napagkasunduan ay makakatanggap umano ng tip na P1,000.
Makikita naman sa video ang kaswal at mabuting pakikipag-usap ni Super Tekla at Donita sa mga delivery riders. Lahat naman ng riders na naghatid ng kanilang orders ay kaagad naman silang nakilala at ang ilan pa nga ay nagpa-picture sa dalawang komedyante.
Magandang ideya umano ito dahil sa ganitong paraan nila naipapamahagi ang kanilang blessings sa buhay sa kapwa na labis na naapektuhan ng p@ndemya.
Credit: Donekla in Tandem YouTube
Dahil sa mga naglipanang issue ng ‘fake orders’ ay naisip ni Super Tekla at Donita na ibahagi ang biyayang natanggap nila sa buhay sa mga delivery riders.
Sa maikling panayam ni Super Tekla sa ikalawang delivery rider ay nasabi ni Kuya “Kevin” na matumal at mahirap ang bawat byahe na paghahatid ng orders ngayong panahon nang tinanong siya ng komedyante kung kumusta ang trabaho bilang isang food delivery rider.
Credit: Donekla in Tandem YouTube
Sa kabila ng tagumpay at kasikatan na nakamit ay nanatiling mabuti ang mga puso nila ni Super Tekla at Donita Nose. Sa gitna ng p@ndemya kung saan ay naging dahilan ito ng pagkawala ng trabaho at proyekto ng karamihan sa showbiz ay mas pinili pa rin ng dalawang komedyante ang magpasaya at mamahagi ng blessings sa kanilang kapwa na nangangailangan.