Tali, napansin ang pagkakahawig ng kuyang si Vico sa kanilang daddy na si Vic Sotto nang bumisita ito sa kanila

Tali, napansin ang pagkakahawig ng kuyang si Vico sa kanilang daddy na si Vic Sotto nang bumisita ito sa kanila

Talagang walang makakapantay sa kasiyahang nararamdaman natin kapag pamilya ang kasama sa unang araw ng bagong taon. Sapagka’t busy man bilang Mayor ng Pasig, talagang naglaan ng panahon si Vico Sotto na makasama ang kanyang ama at ang pamilya nito sa pagsalubong ng 2022.

Credit: @pauleenlunasotto Instagram

Sino nga ba ang hindi nakakakilala kay Mayor Vico Sotto? Sa angkin niyang kagwapuhan at karisma na sinamahan pa ng pagiging responsableng alkalde sa lugar ng Pasig, talagang sikat si Vico sa karamihan kahit na’y hindi siya kabilang sa industriya ng showbiz.

Of course, hawak ang posisyon ng Mayor ng Pasig, napakaraming responsibilidad at gawain si Vico lalo na ngayong may p@ndemya ngunit sa kabila ng kanyang busy at hectic na schedule, nagagawa pa rin niyang magkaroon ng sapat na oras para sa sarili at pamilya.

Bilang pagsalubong sa taong 2022, mas naging espesyal pa ang New Year celebration ng pamilya ni Pauleen Luna at Vic Sotto sa pagbisita ni Mayor Vico sa kanila na labis namang ikinatuwa ng kanilang anak na si baby Tali.

For sure, nagkaroon sila ng bonding moments lalo na’t minsan lamang na nagkakaroon ng pagkakataon si Vico na bisitahin ang ama at ang pamilya nito kaya naman talagang sinulit nila ang bawat oras na pananatili ni Vico.

Credit: @pauleenlunasotto Instagram

Maliban kay baby Tali at Bossing Vic, labis din ang kasiyahan ni Pauleen nang muling nakita si Vico lalo na’t huli niya itong nakita at nakasama ay noong nakaraang taon pa.

“Happy to see Vico again! Last time we saw him was around the same time last year. Thank you for taking time to see us yesterday!”

Ngayong papalapit na ang 2022 elections na gaganapin sa buwan ng Mayo, plano ni Mayor Vico na tumakbo ulit kaya naman advance na ipinahayag ni Pauleen na buo ang kanyang tiwala na mananalo itong muli.

Credit: @pauleenlunasotto Instagram

“We’re always praying and rooting for you @vicosotto 🙏🏼 God bless!” saad ni Pauleen.

Samantala, naaliw din si Pauleen sa cute na realization ng anak na si baby Tali tungkol sa resemblance ng kanyang Kuya Vico sa kanyang daddy.

“Tali: Kuya Vico looks like daddy!🤣🤣🤣” kwento ni Pauleen, pagtutukoy kay baby Tali nang napagtanto nitong magkamukha si Mayor Vico at Bossing Vic.

Credit: @pauleenlunasotto Instagram

Sa pinakaunang araw ng bagong taon, nagkaroon ng pagkakataon si Vico na pansamantalang iwan ang kanyang gawain bilang Mayor ng Pasig upang makasama ang kanyang pamilya ngunit hindi niya naman kailanman kinalimutan ang kanyang mga responsibilidad. Talagang alam niya kung paano hatiin ang kanyang oras dahilan kung bakit labis ang paghangang nararamdaman ng kanyang mga tagasuporta.

Ysha Red

error: Content is protected !!