Tambalang JaMill, together na ulit; Camille Trinidad, piniling patawarin si Jayzam Manabat sa kabila ng mga nagawa nito

Isa ang JaMill sa mga kilala at sikat na couple ngayon sa online world sa Pilipinas. Taong 2016 nang nag-umpisa silang makilala ng mga netizen at ngayon nga ay isa na sa mga kinagigiliwang couple vloggers sa YouTube. Ito ay dahil sa mga nakakatawa nilang mga content pati na rin sa pagbabahagi nila sa kanilang mga subscriber at follower ng kanilang mga achievement na nakamit nila dahil sa suporta ng kanilang fans.
Credit: @jamillph Instagram
Sa apat na taong pagiging magkasintahan ni Camille Trinidad at Jayzam Manabat ay talagang sinubaybayan sila ng kanilang mga fans. Kamakailan lamang ay nakapagpatayo na ng bahay ang magkasintahan dahil sa perang kinita nila sa kanilang pagba-vlog.
Sa ilang taong pagsasama ay masaya naman ang dalawa at bilang pasasalamat sa suporta na ibinibigay ng kanilang mga followers ay patuloy sila sa pagbabahagi ng mga ‘relatable’, nakaka-inspire, at iila’y makabuluhang vlog contents sa kanilang YouTube channel na pinangalanang “JaMill” kung saan ay magkadugtong ang pareho nilang pangalan.
Ngunit sa kabila ng matagal at masayang pagsasama ng dalawa ay katulad ng ilang relasyon ay nasubok ang kanilang katatagan nito lamang Abril nang kumalat ang isyung nangaliwa umano si Jayzam.
Credit: @jamillph Instagram
Naalarma at nabulabog ang kanilang fans at ipinakita din ni Camille sa kanyang mga post kung gaano siya nasaktan sa ginawa sa kanya ni Jayzam.
Matapat namang inako ni Jayzam ang kasalanang nagawa at kumakailan lamang ay humingi ng tawad sa girlfriend na si Camille Trinidad pati na rin sa kanilang fans na na-disappoint niya.
Matapos lumipas ang ilang buwan magmula noong balitang pangangaliwa ni Jayzam ay kapansin-pansin sa social media accounts ni Camille ang pagshe-share niya ng quotes tungkol sa pagpapatawad.
Credit: @jamillph Instagram
Makikita sa isang Instagram post ni Camille na sinasabi nito na mas mainam magpatawad kaysa ang magtanim ng sama ng loob sa taong nagdulot ng s@kit sa kanyang kalooban. Sinabi rin niya na mas mabuting piliin ang magpatawad kaysa panatilihin ang g@lit sa kapwa.
Sa kabila ng nangyari na muntikan ng magdulot ng katapusan sa kanilang matagal na relasyon ay mas pinili pa rin ng vlogger na pairalin ang pagiging positibo sa buhay kung saan ay pinili niyang patawarin ang boyfriend sa nagawa nitong kasalanan.
Credit: @jamillph Instagram
Ayon pa kay Camille ay ang paghihiganti ay para lamang sa mga taong mahihina ang loob habang ang mga taong mas pinipili ang pagpapatawad ay siya namang mga matatalino at malalakas.