Taxi driver na nagsauli ng naiwang cellphone, nagulat na anak pala ni Ina Raymundo ang pasaherong nakaiwan nito!

Taxi driver na nagsauli ng naiwang cellphone, nagulat na anak pala ni Ina Raymundo ang pasaherong nakaiwan nito!

Sa bilyon-bilyong tao, nagugulat na lamang tayo na may mga pagkakataon pala sa ating buhay na ang noo’y pinapanood lamang natin sa TV ay personal nating nakikita at nakakausap dahil sa isang chance na encounter.

Credit: @inaraymundo95 Instagram

Sa paglipas ng mga panahon, talamak na talaga ang masasamang isyu sa lipunan kaya nakakagaan talaga sa pakiramdam sa tuwing nakakarinig tayo ng magagandang balita katulad na lamang ng isang taxi driver na nagsauli sa naiwang mamahaling cellphone ng kanyang foreigner na pasahero kumakailan lamang.

Kakapasok pa lamang ng taong 2023 pero kaagad na tayong sinalubong ng isang wholesome na balita tungkol sa katapatan ng isang taxi driver. Dahil sa involvement ng aktres na si Ina Raymundo, talagang nag-viral ang kabutihang ginawa ni Michael Dungan.

Credit: @inaraymundo95 Instagram

Matatandaan nito lamang nang ibinahagi ni Ina Raymundo sa kanyang IG story ang larawan nila ng isang taxi driver na siya umanong nagsauli sa naiwang cellphone ng kanyang anak na si Jakob Poturnak. Dahil sa katapatan na ipinamalas ng driver, mas lalong lumalim ang interes ng karamihan. Sa exclusive na interview ng PEP.ph, inilahad ni Michael Dungan ang buong pangyayari.

Ayon kay Mr. Dungan, wala umano siyang kamalay-malay na anak ng isang sikat na celebrity sa Pinas na si Ina Raymundo ang kanyang foreigner at binatang pasahero. Nagsimula umano ito nang nagbigay ng address si Jakob na hindi pamilyar sa kanya kaya gumamit umano sila ng Google map. Pagkukuwento ni Mr. Dungan, cellphone umano ni Jakob ang kanyang gamit upang matunton ang lugar na kanilang paroroonan pero nakalimutan umano itong kunin ng binata nang bumaba at tsaka lamang ito niya ito napansin makalipas ang ilang oras.

Credit: @inaraymundo95 Instagram

Determinadong ibalik ang cellphone, naghintay umano siyang may tumawag at maghanap nito. Noong una, isang babae na nagpakilalang kapatid ng kanyang pasahero ang nag-reach out pero dahil hindi umano niya masyadong maintindihan ang winiwikang Ingles nito, hindi naging matagumpay ang kanilang pag-uusap hanggang may muling tumawag na “Mom” ang naka-register sa contacts. Sa pagkakataong ito, nagsasalita na sa Tagalog ang kanyang kausap kaya matagumpay umano nilang napag-usapan kung paano isasauli ang cellphone.

Kinabukasan, pinuntahan umano ni Mr. Dungan ang address na ibinigay ng kanyang kausap pero laking gulat niya nang nakita at nalamang si Ina Raymundo pala ang nanay ng kanyang pasahero.

Credit: @inaraymundo95 Instagram

“Sabi ko artista ‘to. Ang ganda naman nito. Yun pala, ‘yun ang nanay ng pasahero ko kaya nagulat ako,” sabi ni Mr. Dungan.

Sa encounter nilang ito, hindi talaga pinalampas ni Mr. Dungan ang pagkakataon na humingi ng selfie kasama si Ina bilang patunay na rin na matagumpay niyang naisauli ang cellphone.

Ysha Red

error: Content is protected !!