Team Kramer, sobrang nag-enjoy sa kanilang bakasyon sa bonggang resort sa Tanauan, Batangas!

Team Kramer, sobrang nag-enjoy sa kanilang bakasyon sa bonggang resort sa Tanauan, Batangas!

Sa layuning makabuo pa ng memories sa taong 2021, napagdesisyunan ng Team Kramer na magkaroon ng trip sa Tanauan, Batangas kung saan ay lahat ng kanilang ginawa ay perfect sa kanilang kagustuhan.

Credit: Team Kramer YouTube

Sa kanilang huling trip sa 2021, nagpunta sa The Vineyard ang Team Kramer kung saan ay hindi lamang adults ang nag-enjoy dahil fit na fit din sa taste nina Kendra, Scarlett at Gavin ang ibang highlights ng resort.

Bibihira lamang sa mga resort ang mayroong arcade at hindi rin napigilan ng mga bata na maglaro sa claw crane at hoops.

Ipinasilip din nila ang kanilang villa na ‘Honeymoon’ na may “home feels” ang dating. Ang mas nakakabongga pa nito ay ang view ng Taal Lake at ang pribadong pool kung saan ay enjoy na enjoy sa pagswi-swimming si Doug at ang mga bata.

“It’s a nice panoramic view,” paglalarawan ni Cheska.

Credit: Team Kramer YouTube

Busog na busog naman ang Team Kramer sa hinandang dinner ng resort. Naaliw din ang mga bata sa pagbasag sa Mystery Ball na may lamang iba’t-ibang candies.

Sa ikalawang araw namang pananatili nila sa resort, abala sa grape picking ang Team Kramer maliban kay Doug na nakayuko lamang dahil sa kanyang height.

Matapos mamitas ng grapes, nagkaroon naman ng picnic at picture-taking ang buong pamilya kung saan ay nakasuot pa ng parehong kulay ng damit si Cheska, Kendra, at Scarlett.

Hindi lamang sa mini-arcade, pagswi-swimming, pagha-harvest ng grapes, at food trips natatapos ang kanilang kasiyahan dahil nagpunta din ang Team Kramer sa shoreline kung saan ay namingwit sila ng isda at nag-jetski.

Credit: Team Kramer YouTube

Kuwento pa ni Doug, first time umano niyang mag-jet ski ngunit talaga namang kahanga-hanga ang mahusay niyang pagda-drive nito kasama sina Gavin at Kendra.

Nang natapos na ang kanilang trip sa Tanauan, Batangas, hindi napigilan ni Doug at Cheska na magpasalamat sa magandang accomodation ng resort sa kanilang pamilya lalo na’t super saya umano ng activities na ginawa nila nang magkakasama.

“Family-friendly. It’s very relaxing. There’s quite a few activities here that you can do and activities we did here, we truly enjoyed from the picnic to the water activity,” pahayag ni Cheska.

Credit: Team Kramer YouTube

Kahit na’y dalawang araw lamang ang kanilang trip sa Batangas, talagang walang pinalagpas na pagkakataon at sinulit ng Team Kramer ang bawat araw upang makapag-bonding.

Talaga namang bonggang family bonding ang ginawa ng Team Kramer bago matapos ang taong 2021.

Ysha Red

error: Content is protected !!