Team Sotto-Pingris, mainit na tinanggap si baby Jean-Luc sa kanilang pamilya!

Tunay nga na hindi biro ang duties at responsibilities na kaakibat ng pagiging isang magulang pero tila’y wala rin ang makakatumbas sa kasiyahan at fulfillment na ating nararamdaman sa tuwing nakikita at nahahagkan natin sa pinakaunang pagkakataon ang baby na bunga ng pagmamahalan.
Credit: @danicaspingris Instagram
Parehong kilala ng karamihan ang couple na si Danica Sotto at Marc Pingris dahil matagumpay lang naman nilang nilang na-establish ang kanilang reputation sa kani-kanilang field. Kung sa pagiging isang aktres at pagiging anak ni Bossing Vic Sotto nakilala ng karamihan si Danica, sa kahusayan naman sa pagba-basketball nakilala si Marc Pingris. Ngayong retired na si Marc sa PBA at hindi na rin masyadong active sa showbiz si Danica ay walang-sawa pa rin ang kanilang fans sa pagsusubaybay sa kanilang buhay lalo na ngayong pareho na silang naka-focus sa kanilang pamilya na ngayo’y patuloy nang lumalaki sa pagdating ng kanilang ikatlong anak.
Sa TONI talks kung saan ay featured ang couple nito lamang nakaraang buwan, naibahagi ng couple na sobrang laki umano ng difference ng kanyang pagbubuntis sa ikatlong anak kumpara noong ipinagbubuntis pa lamang niya sina Jean Michael at Anielle Micaela dahil sa 10 taon na gap plus ito rin ang pinakaunang pagkakataon na palaging present si Marc sa buong pregnancy journey ni Danica.
Credit: @danicaspingris Instagram
Noong ipinagbubuntis pa lamang ng aktres ang kanilang magiging ikalawang baby boy sa pamilya, halos hindi na talaga umano magkamayaw ang buong pamilyang Sotto-Pingris dahil sa nararamdaman nilang sobrang excitement kaya nang isinilang na ni Danica si baby Jean-Luc nito lamang Linggo, hindi na talaga nakapaghintay ang couple na ipakilala sa publiko ang bagong miyembro sa kanilang pamilya.
“All glory, praise and honor to God! Grateful for a smooth and safe delivery. ❤️ Our hearts our filled with so much joy!!! Still feels so surreal. Can’t believe he’s finally in my arms. Thank you to those who prayed and believed with us. 🙏❤️,” pahayag ni Danica sa kanyang caption kalakip ng isang documentary kung saan ay naka-compile ang kanilang videos at pictures habang mainit na tinatanggap sa kanilang pamilya si baby Jean-Luc.
Credit: @danicaspingris Instagram
Ngayong isa ng Kuya si Jean Michael at Ate si Anielle Micaela, palitan talaga sila sa pagkarga sa kanilang bunsong kapatid na talaga namang kinagiliwan ng netizens.
Of course, kahit na’y ikatlong anak na nila ito ni Danica ay mapapansin pa rin sa mga larawan na ibinahagi ng aktres ang priceless na reaksyon ni Marc habang kinakarga si baby Jean-Luc.