Teaser sa bagong kanta ni Moira Dela Torre kasama si Ogie Alcasid, pinagkaguluhan ng netizens!

Teaser sa bagong kanta ni Moira Dela Torre kasama si Ogie Alcasid, pinagkaguluhan ng netizens!

Importante talaga ang presence ng emosyon sa pagkanta upang mas mabigyan ng buhay at kahulugan ng isang kanta at kailan nga ba tayo binigo ng isang Moira Dela Torre pagdating sa kanyang masterpieces?

Credit: @moiradelatorre Instagram

Simula nang umangat sa kasikatan si Moira Dela Torre dahil sa nakakamanghang quality ng kanyang boses at talento sa pagbuo ng kanta, marami talaga ang nahumaling sa kanya bilang isang artist lalo na’t sa paglipas ng panahon ay mas lalo pa siyang nag-iimprove sa projection ng kanyang feelings sa tuwing kumakanta dahilan kung bakit marami ang nagsasabi na extension niya ang bawat isa sa kanyang songs.

Kung may mga tao na natural na talagang napo- project ang kanilang feelings kapag kumakanta, may mga artist naman na ginagamit ang kanilang sariling experience sa buhay upang makabuo ng isang masterpiece. Bagama’t alam na naman ng karamihan na natural na talaga si Moira sa pagbuo ng sad at heartbreak na mga kanta, hindi maiwasan ng iilan na makuryoso sa kantang bubuuin ni Moira ngayong isinapubliko na nila ng kanyang asawa na si Jason Marvin ang kanilang hiwalayan.

Credit: @moiradelatorre Instagram

Matapos ang iilang buwang paghihintay, nagbahagi na ng teaser si Moira tungkol sa kanyang bagong kanta na inaaasahang ire-release niya soon. Sa video na ibinahagi niya sa Facebook, mapapanood na kasama at katulong niya ang kanyang idol at kapwa artist na si Ogie Alcasid sa pagbuo sa kanyang bagong kanta.

Habang kumakanta, sinasabayan naman siya ni Ogie sa pagtutugtog sa piano na talaga namang tumugma sa tono ng kanta ni Moira. Dahil sa tulong ni Ogie, labis ang tuwa at pasasalamat ni Moira dahil sa wakas, natapos na rin niya ang pinagkakaabalahan niyang kanta.

Credit: @moiradelatorre Instagram

“/ finished another song at the alcasids last night w the help of my tito @ogiealcasid who humbly asked me “may i?” and played the piano for me what a dreaaam. lysm tito ogieeee,” pahayag ni Moira.

Bagama’t practice pa lamang ang ginawa ni Moira at Ogie, sobrang proud naman ang couple na si Neri Naig at Chito Miranda na maririnig na naghihiyawan at nagpapalakpakan sa kanilang likod.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Moira (@moiradelatorre)

Maliban sa collaboration ng parehong talented na artists, sobrang na-hooked din ang fans ni Moira sa lyrics ng hinahanda niyang bagong kanta dahil kahit na’y teaser pa lamang ito, ramdam na ramdam na talaga ng karamihan ang emosyon na nais niyang ipahiwatig sa kanyang kanta.

Credit: @moiradelatorre Instagram

Sa nakaraan niyang mga kanta, feel na feel talaga nating nanggaling tayo sa sawing pag-ibig kahit hindi naman kaya aasahan talaga nating muli na naman nating nanamnamin ang emosyon sa bagong kanta ni Moira Dela Torre.

Ysha Red

error: Content is protected !!