Tignan ang cute na anak ni Zeinab Harake na si Baby Bia nang magcostume bilang isang Disney Princess

Sadyang napakabilis ng panahon at ang munting sanggol ng sikat na vlogger na si Zeinab Harake at Skusta Clee ay magtatatlong buwang gulang na.
Credit: @zeinab_harake Instagram
Parang kailan lang nang gulatin ni Zeinab ang mga netizen sa balitang siya ay nagdadalang tao sa kabila ng ilang kontrobersyal nilang hiwalayan ng kanyang nobyo.
Marami ang nagtaka at ang iba ay hindi natuwa sa nangyari subalit matapang na tinanggap ni Zeinab ang mga negatibong komento ng ilan at patuloy na ibinahagi ang kanyang journey sa pagbubuntis na kinagiliwan naman ng kanyang mga tagahanga at tagasuporta.
Credit: @zebbiana_ Instagram
Mismong si Daryl Ruiz o kilala din bilang Skusta Clee ay nagsabing life changing ang pagkakaroon ng anak at ito ay kanya namang pinatunayan.
Sa mga vlogs ni Zeinab ibinahagi n’ya ang pag-aalagang ginawa sa kanya ng nobyo upang masiguradong masaya siya at malusog sa kanyang pagbubuntis, kaya naman sa kabila ng mga komplikasyon sa kanyang panganganak tulad ng @sthma, problema sa sugar at hirap sa paghinga na naging dahilan upang siya ay ma-c@esarean kahit natural birth ang gusto n’ya, lumabas namang malusog si Baby Zebbiana o Bia.
Credit: @zebbiana_ Instagram
Marami ang naging excited na makita ang munting sanggol at hindi naman naging madamot ang magkasintahan at kalaunan ay ipinakilala na sa publiko si Baby Bia.
Sa pagsapit ng unang buwan nito noong May 28, isang photoshoot ni Baby Bia ang ibinahagi ni Zeinab sa kanyang YouTube channel na may temang Sleeping Beauty.
“Bia as Aurora” ang title na nasabing vlog. Makikita sa behind the scene ng photoshoot ang pag-aalaga at pakikipaglaro ng dalawa sa kanilang anak at kapansin-pansin na palagi itong nakangiti sa kanyang ama.
Ayon pa kay Zeinab ay mas malapit ito kay Daryl kaysa kanya.
Credit: @zebbiana_ Instagram
“Nagseselos na nga ako eh! Maka-daddy s’ya eh.” ani Zeinab.
“Kaya nga ‘nung mga nakaraan umiiyak ako eh, ‘pag hindi siya sumasama sa’kin nalulungkot ako,” dagdag pa nito.
Ibinahagi din ni Daryl ang pagsilang ni Bia sa YouTube channel nito. Nakatampok din ang munting sanggol sa pinakabagong music video ni Skusta Clee na “Lagi” na mabilis na nakakuha ng 28 million views sa YouTube.