Tignan ang naging reaksyon ni Rachel Peters at Governor Migz Villafuerte nang malaman ang gender ng kanilang baby

Kinorohanan bilang Miss Universe Philippines si Rachel Louise Peters noong 2017 at mula pa noon ay matagal na siyang sumasali sa mga pageants. Hindi man ito alam ng karamihan pero sumali rin siya sa Miss World 2014 kung saan fourth runner up siya. Dahil dito ay naging kilala ang kanyang pangalan sa pageant world at pati na rin sa publiko. Ngunit sa kabila ng kanyang busy schedule bilang isang beauty queen ay going strong sila ng kanyang long time boyfriend na si Migz Villafuerte, ang kasalukuyang gobernador sa Camarines Sur.
Credit: @rachelpetersx Instagram
Magkakaiba man ang industriyang pinaglilingkuran ay nanatili pa ring matibay ang relasyon ni Governor Migz Villafuerte at former Miss Universe Philippines 2017 Racherl Peters. Sa pitong taon na pagiging magkakasintahan ay engaged na ang dalawa noong November 2019. Ikakasal na sana sila pero napilitang i-postpone dahil sa p@ndemya.
Credit: @rachelpetersx Instagram
“How I feel about this v!rus. Cancelled wedding (for now), all businesses suffering and millions of people terr!fied of where this is headed and how to keep their loved ones safe,” saad ng beauty queen sa kanyang post Instagram.
Noong nakaraang buwan, May 18, ay inanunsyo ng dalawa na magkakaroon sila ng anak sa kanilang social media accounts na binati ng mga kasamahan sa industriya at mga fans.
View this post on Instagram
Nito lamang Martes, June 1, 2021, ay ibinahagi ng beauty queen ang isang magandang balita sa pamamagitan ng pagpo-post ng video sa Instagram tungkol sa idinaos nilang intimate gender reveal kung saan ay pamilya at iilang malalapit na mga kaibigan lamang ang inimbita.
“If you ask me, maybe it’s gonna be a boy,” sagot ni Migz Villafuerte nang tinanong kung ano sa tingin niya ang gender ng magiging anak.
“I would love for the baby to be a girl… but I am 99.9 percent sure that it’s a boy,” sabi naman ni Rachel.
Ibinahagi rin ng Camarines Sur governor na sa Villafuerte at Reyes, ang side ng kanyang ina na ang lahat ng first born ay puro mga lalaki. Ayon naman kay Rachel ay sa pamilyang Peters, mga babae ang unang mga anak.
Credit: @rachelpetersx Instagram
“So, it’s 50-50,” nakangiting sabi ng beauty queen.
Nagtanong ang mag-fiance sa iilang family members sa kung ano ang gender ng kanilang magiging anak kung saan 8 ang bumoto sa boy at 6 naman na girl ang magiging anak nila.
Nang nagpatuloy ang video, makikita ang dalawa na may hawak na smoke bombs na nagbuga ng kulay pink, indikasyon na babae ang magiging anak nila. Naging emosyonal na lamang si Rachel nang nalamang babae ang magiging anak nila ng fiancé.
Credit: @rachelpetersx Instagram
“I’m so not ready for that,” sabi ni Rachel nang taliwas sa kanyang akala ang gender ng kanilang magiging anak.