Tignan ang napaka-poging mukha ng baby boy ng 51-year-old actor na si Smokey Manaloto

Tignan ang napaka-poging mukha ng baby boy ng 51-year-old actor na si Smokey Manaloto

Sa edad na 51 ay naging opisyal na tatay na ang aktor at comedian na si Smokey Manaloto. Kasama ang kaniyang non-showbiz partner ay sinalubong nila ang kanilang first baby na si Kiko noong August 4, 2022.

Credit: @smokey_manaloto Instagram

Ipinakilala ng aktor ang anak nito isang linggo matapos itong ipanganak sa social media. Proud na proud ang aktor sa pagiging first time dad nito. Ilang mga video habang pinapaarawan niya si baby Kiko ang pinost ng aktor sa kaniyang instagram account.

Kamakailan lamang ay nagviral ang larawan nito kasama si baby Kiko kung saan malinaw na makikita ang buong itsura ni baby Kiko. Maraming netizen at kapwa artista ang nabihag sa poging mukha nito.

Sa larawan nagpasalamat ang aktor sa Panginoon sa maagang Christmas gift nito sa kaniya, ang kaniyang anak. ‘Smo-Kiko’ ang tawag ni Smokey sa kaniyang anak.

“Smo-Kiko”. Lord… maraming salamat po sa Christmas gift na binigay niyo po sa akin nung August 4,” caption nito sa kaniyang post.

Credit: @smokey_manaloto Instagram

Ilan sa mga artista na hindi nakapag pigil at nanggigil sa super cute na si baby Kiko ay nagkumento sa post ng aktor.

Kumento ni Geneva Cruz sa aktor na bumagay sa kanya ang pagiging isang daddy.

“Ayy ang gwapooo oh,” pahayag ni Ariella Arida.

Andiyan naman ang kumento ni Ara Mina, Maui Taylor, Alyssa Muhlach, Katya Santos, Jayson Gaiza at Tart Carlos na nagsasabing “Pogi” ang anak nito.

Credit: @smokey_manaloto Instagram

Sa maiksing video na pinost din ng aktor makikita ang mga pangyayari sa unang vaccine shots ng kaniyang anak. Pabirong dinagdag ng aktor ang mga larawan ng kaniyang anak na tila nagdarasal bago pa man ito turukan ng kaniyang vaccine shots.

“Kiko’s first sh0t! Brave little boy! #babyboy #firstimedad,” caption ng aktor.

Credit: @smokey_manaloto Instagram

Kinaaliwan ng mga netizens ang video nito at nagpahayag kung gaano sila napopogi-an sa anak ni Smokey at kung gaano sila natutuwa dahil sa pagiging brave nito. May ilan ding nagsabi na baka sumunod sa yapak ni Smokey sa pagiging artista ang baby nito dahil sa angkin nitong good looks.

Ysha Red

error: Content is protected !!