Tignan ang talento ng anak nila Solenn Heussaff at Nico Bolzico na si Baby Tili pagdating sa pagpapacute

Tignan ang talento ng anak nila Solenn Heussaff at Nico Bolzico na si Baby Tili pagdating sa pagpapacute

Isang video ang ibinahagi ni Nico Bolzico sa Instagram at ito ay ang nakuhanan niyang video ng kanilang unica hija na si Baby Thylane na isisend n’ya sa asawang si Solenn Heussaff na nasa trabaho.

Credit: @nicobolzico Instagram

Makikita sa nasabing video na kilig na kilig si Nico sa kacutetan ng anak habang nagpapacute sa video na ipapadala sa kanyang mama. Ayon pa dito “making pacute” ang isa sa talento ng kanyang anak.

“A video we sent to Mama when she was at work! Making pacute is one of #TiliBolz many skills!” caption sa nasabing IG post.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Nico Bolzico (@nicobolzico)

“As #ElPadre, and#ManOfTheHouse, it is my responsibility to be able to say “NO” if I have to, when #TiliBolz uses this pacuteness technique. So far failing miserably…” dagdag pa sa caption nito.

Inamin ni Nico na pumapalya siya sa kanyang role bilang padre de pamilya na s’yang nagbibigay batas o s’yang dapat masunod sa tuwing kailangan n’yang humindi. Ngunit hindi n’ya matanggihan ang anak kapag nagpacute na ito.

Credit: @nicobolzico Instagram

Sino nga ba ang makakatanggi sa kacutean ng unica hija nina Nico at Solenn na ipinakita nito sa video sa nasabing IG post. Walang duda ang sinabi ni Nico na isa nga ang pagpapacute sa talento ng kanyang anak.

Sumang-ayon din naman ang mga netizen na nagbigay ng komento sa nasabing IG post.

Credit: @nicobolzico Instagram

“How can you say No??? Cuteness overload talaga,” komento ng isang netizen.

“She’s soooo cute. Always makes my day!” dagdag pa ng isang netizen.

Credit: @nicobolzico Instagram

Isa si Baby Tili o Thylane Katana sa mga kinagigiliwan ng mga netizen sa social media. Kaya naman naiba ang dating pananaw ni Solenn.

Matatandaang ilang buwan makalipas ipanganak si Baby Tili ay saka pa lamang ipinakita sa publiko ang mukha nito.

Credit: @nicobolzico Instagram

Ayon pa sa French-Filipino actress, hindi siya naniniwalang kailangang ibahagi sa social media ang kanilang family life. Subalit nang maramdaman n’yang kinagigiliwan ng mga netizen na makita ang kanyang anak ay hindi n’ya naman ipinagkait ito at madalas na ngang ibinabahagi ang mga larawan at video ni Tili sa social media.

Ysha Red

error: Content is protected !!