Tingnan: Albert Martinez, isang certified mapagmahal na lolo sa edad na 60 sa kanyang tatlong apo!

Tingnan: Albert Martinez, isang certified mapagmahal na lolo sa edad na 60 sa kanyang tatlong apo!

Alam ba ninyong marami sa mga hinahangaang aktor ngayon sa telebisyon ay mga ganap nang lolo?

Credit: @albert_martinezfp Instagram

Isa nga rito ang beteranong aktor na si Albert Martinez na sa edad na 60 ay isang certified mapagmahal na lolo sa kanyang tatlong apo.

Hindi lingid sa kaalaman ng lahat na mayroong tatlong anak si Albert at ang yuma0ng aktres na si Liezl na sina Alyanna, Alfonso, at Alissa.

Credit: @albert_martinezfp Instagram

Unang nag-asawa ang panganay ni Albert na si Alyanna. Pinakasalan ni Alyanna ang photographer na si Roy Nacam noong 2016 sa San Francisco, California. Taong 2018 naman noong winelcome ni Albert ang kanyang unang apo kay Alyanna na si Adalynn Riley.

Credit: @alyannamartinez Instagram

Ang nag-iisang anak na lalaki ni Albert na si Alfonso ay na-engage naman noong September 2020 sa kasintahan nitong si Miki Hahn na isang musician. Matapos ma-engage, isinilang ni Miki ang unang baby nila ni Alfonso na si Arturo Alberto Alfred.

Credit: @albert_martinezfp Instagram

Habang nitong nakaraang 2019 lamang, ang bunsong anak ni Albert na si Alissa ay ikinasal kay Paulus Reyes. At noong nakaraang taon, isinilang ni Alissa ang first baby nila ni Paulus na si Amati Mari.

Credit: @albert_martinezfp Instagram

Mga certified “Lolo’s Boy” at “Lolo’s Girl” naman ang mga apo ni Albert. Makikita sa socmed ni Albert at ng kanyang mga anak ang ilang bonding moments nilang mag-lolo. Bukod nga sa pag-arte, isa marahil sa mga pinagkakaabalahan ni Albert ngayon ay ang kanyang papel bilang isang lolo sa kanyang tatlong apo.

Sa isang panayam naman sa PUSH noong 2017, inamin ni Albert na walang makakapigil sa kanya para i-‘spoil’ ang kanyang mga apo.

“Grandparents are designed to spoil their grandchildren, so nobody will stop me from doing that,” saad pa ni Albert sa nasabing panayam.

Credit: @alissamartinez Instagram

Samantala, kamakailan lamang ay nagbabalik Kapuso network si Albert matapos ang mahigit isang dekada niyang pagiging Kapamilya.

Si Albert ay isang dating matinee idol. Siya ay unang sumikat noong 80s dahil sa kanyang galing sa pag-arte at taglay na kagwapuhan.

Credit: @albert_martinezfp Instagram

Ilan sa mga palabas na pinagbidahan ni Albert sa Kapamilya network ay “The General’s Daughter”, “Nasaan Ka Elisa?”, at “Kadenang Ginto”.

Inaabangan naman ng maraming fans ni Albert ang kanyang upcoming comeback teleserye sa Kapuso network na “Las Hermanas” na mapapanood ngayong taon.

Ysha Red

error: Content is protected !!