Tingnan ang buhay ngayon ng 90’s child star na si Serena Dalrymple na kasalukuyang naninirahan sa ibang bansa

Naaalala niyo pa ba ang 90’s child star na si Serene Dalrymple? Sa dami ng kanyang mga nakakaaliw na karakter bilang isang batang aktres sa mga pelikula na naging bahagi siya ay hindi pa rin maitatangging patuloy pa rin siyang hinahanap sa showbiz ng iilan.
Credit: @sdalrymple Instagram
September 7, 1990 nang ipinanganak ang Filipino-American na si Serena Dalrymple. Sa murang edad ay maaga siyang pumasok sa showbiz noong late 1990’s at naging bahagi sa mga sikat na pelikula katulad na lamang ng “Tong Tatlong Tatay kong Pakitong Kitong”, “Daddy O, Baby O!” at iba pa kung saan ay kasama niya ang iilang sikat na mga aktor at komedyante sa industriya ng showbiz na sila Dolphy, Redford White, Babalu, at Bonel Balingit.
Credit: @sdalrymple Instagram
Isa siya sa mga hinahangaan at iniidolo ng mga bata noong kanyang kapanahunan pati na rin ng mga matatanda dahil sa aliw na kanilang nararamdaman kapag lalabas sa telebisyon si Serena.
Credit: @sdalrymple Instagram
Taong 1997 nang sumikat si Serena Gail Dalrymple at nakilalang “child star princess” dahil sa successful na mga proyektong natanggap. Dahil sa TV Commercial ng Jollibee ay mas lalo pa siyang nakilala at nabigyan ng maraming oportunidad sa industriya.
Credit: @sdalrymple Instagram
Dahil sa husay sa pag-arte ay naging bahagi siya ng mga pelikula kasama ang iilang sikat na mga aktor noong 1990’s. Dahil dito ay talaga namang isa siya sa mga sikat na child actress noong kanyang kapanahunan.
Credit: @sdalrymple Instagram
Sa paglipas ng panahon ay unti-unti nang naglaho ang pangalan ni Serena sa showbiz dahilan na rin ng pagsikat ng ilang child actors. Noong siya’y 14 years old ay napagdesisyunan ni Serena na itigil ang career na nabuo at tuluyan na ngang iniwan ang mundo ng showbiz para ipagpatuloy ang pag-aaral sa De La Salle College of St. Benilde kung saan ay natapos niya ang kursong Export Management.
Credit: @sdalrymple Instagram
Sa kabila ng kasikatan sa murang edad ay mas pinili niyang ituon ang pokus sa pag-aaral hanggang sa napagdesisyunan niya at ng kanyang pamilya na manirahan sa ibang bansa.
Kahit na’y matagal ng wala sa showbiz ay sinusubaybayan pa rin siya ng ilang fans. Masisilayan pa rin naman ng netizens ang buhay ni Serena ngayon dahil sa mga update niya sa kanyang Instagram.
Credit: @sdalrymple Instagram
Ngayon ay 30 taong gulang na si Serena dahilan para matanto ng netizens na patuloy pa ring sinusubaybayan ang kanyang buhay kahit na lumipas na ang maraming taon.
Maayos na rin ang pamumuhay at career ng former Philippines child actress sa US. Bukod doon ay ibinabahagi niya rin ang kanyang love life kung saan ay foreigner ang kanyang boyfriend at ngayo’y masayang nagsasama.
Credit: @sdalrymple Instagram
Hindi naman talaga maikakaila na sa kabila ng paglaho ni Serena Dalrymple sa showbiz ay masaya naman siya sa napili niyang buhay sa ibang bansa.