TINGNAN: Kapuso actress na si Anna Vicente, ipinanganak na ang kanyang kambal na anak!

TINGNAN: Kapuso actress na si Anna Vicente, ipinanganak na ang kanyang kambal na anak!

Ipinanganak na ng 23-anyos na aktres na si Anna Vicente ang kambal niyang anak. Sa isang Instagram post, masayang ibinahagi ni Anna na ipinanganak niya noong February 23 ang kambal nila ng kanyang non-showbiz boyfriend na si Paolo Mercado.

Credit: @itsannavicente Instagram

Ayon pa kay Anna, dumating nang mas maaga ang “biggest blessings” ng kanyang buhay kaya kinailangan niyang ipanganak ang mga ito sa pamamagitan ng cesarean delivery.

“Surprise! Here they finally are! My biggest blessings came earlier than expected. They were excited to go out so i had to be on Emergency CS last night,” ani Anna sa kanyang post.

Ikwinento rin ni Anna ang kanyang naramdaman nang una niyang narinig ang iyak ng kanyang kambal.

Credit: @itsannavicente Instagram

Bahagi niya, “Everything went by really really fast. All was blurred and shaky but the kaba was worth It when i heard them cried for the first time, when I first held them in my arms. the best feeling ever! I never knew I could love someone so much that it hurts (in a good way)”

Dugtong pa niya, “Thank you for all of your prayers and positive energy. Huge thank you also to the delivery staff of MMC for taking such good care of me and my little family. To God be the glory.”

Credit: @itsannavicente Instagram

Samantala, bumuhos ang pagbati mula sa mga kasamahan ni Anna sa showbiz industry. Kabilang sa bumati sa kanila ang mga aktres at best friends niyang sina Michelle Vito at Barbie Imperial. Matatandaang kamakailan ay nag-organisa ng baby shower si Michelle para kay Anna.

Bumati rin si Rita Daniela na nakasama ni Anna sa kanyang unang proyekto sa Kapuso network na “Ang Dalawang Ikaw” kung saan gumanap siya bilang si Beatrice Illustre.

Mensahe ni Michelle, “Congrats babe & pao!”

Credit: @itsannavicente Instagram

Saad ni Barbie, “Congrats my luv!! Cant wait to meet them”

“Praise GOD! Congratulations Anna sa new family mooo!” sabi naman ni Rita.

Unang ibinalita ni Anna ang kanyang pagbubuntis at kambal ang kanyang ipinagbubuntis noong January 5 kalakip ng kanyang maternity photos.

Credit: @itsannavicente Instagram

“From the moment I found out I was pregnant, I knew that this would be the best journey of my life. I’m so excited to share this good news with all of you!! Yes, I am growing two little angels and they are ready to say hello this 2022!” caption ni Anna sa kanyang IG post.

Ysha Red

error: Content is protected !!