Tingnan: Matteo Guidicelli, pina-w0w ang netizens matapos siyang lumusong sa isang tub na puno ng yelo!

Marami sa atin ay ‘goal’ ang pumayat o maging fit. Isa naman sa mga source of inspiration ng marami pagdating sa fitness ay ang mga hinahangaan nilang Pinoy celebs. Tulad na lamang ng aktor na si Matteo Guidicelli na isa ngayon sa mga kinabibiliban ng marami pagdating sa pagandahan ng katawan.
Credit: @matteog Instagram
Marami talaga ang humahanga sa taglay na kakisigan ni Matteo at sa kanyang fit na katawan na sa paglipas ng panahon ay mas lalong nadedepina.
Kung tutuusin, isa si Matteo sa mga hunk actor na nangunguna sa listahan ng mga artistang mayroong magandang katawan.
Hindi naman lihim kung paano napanatili ni Matteo ang kanyang fit na katawan dahil madalas ay ibinabahagi niya sa kanyang social media accounts ang kanyang fitness routine, kasama na rito ang kanyang healthy diet at workout routines.
Credit: @matteog Instagram
Ngunit bukod sa dalawang ito, may isa pa palang routine na ginagawa si Matteo para ma-maintain ang kanyang “gym body.”
Ito ay ang tinatawag nilang “ice bath” kung saan nga ay pagkatapos ng isang “intense workout” ay ibinababad mo ang iyong katawan sa isang tub na puno ng yelo.
Napa-w0w ni Matteo kamakailan ang maraming niyang followers sa Instagram matapos nilang mapanood ang ibinahagi niyang video kung saan buong tapang niyang inilublob ang kanyang katawan sa isang tub na puno ng yelo.
Kung iisipin, iilan lamang ang nakakagawa ng morning routine na ito ni Matteo na ginagawa niya pagkatapos niyang mag-workout.
Credit: @matteog Instagram
Kwento ni Matteo, noong simulan niya ang routine na ito ay hanggang 1 minuto lamang ang tinatagal niya sa loob ng tub hanggang sa tila nasanay na ang kanyang katawan at kaya na umano niyang tumagal sa loob ng tub ng 10 minuto.
Pag-amin niya, mahirap daw umano talaga itong gawin sa umpisa. Sa kanyang post, ipinaliwanag ni Matteo ang benepisyo na nakukuha niya mula sa pagbabad sa isang tub na puno ng yelo.
Aniya, “Sharing with you guys my morning routine. After a good hard training session, I like to jump in the ice tub. This helps the mind and body to relax and recover! STAY HARD my friends.”
Sa kanyang naunang post, ibinahagi naman ni Matteo ang kanyang sikreto para tumagal sa loob ng tub.
Credit: @matteog Instagram
“I started with 1 minute, I’ve worked my way up to 10 minutes in here. With proper breathing and relaxation techniques,” bahagi niya.
Dagdag pa niya, “At first it hurt physically and mentally but that’s the whole point of it, to embrace the pain…”
Sa huli ay umani nga ng paghanga mula sa netizens ang ipinakitang dedikasyon ni Matteo sa paggawa niya ng ice bath na hindi maikakailang napakahirap nga namang gawin.