Toni Fowler at Sunshine Dizon, nagkaroon ng drama-like sampalan moment sa totoong buhay!

Toni Fowler at Sunshine Dizon, nagkaroon ng drama-like sampalan moment sa totoong buhay!

Paborito talaga ng majority sa ating mga Pinoy na manood ng mga drama kung saan ay nakakapanindig ng balahibo ang scenes lalong-lalo na kapag nagkakainitan na ang dalawang bidang karakter pero tila’y hindi lamang pala sa harap ng kamera nangyayari ang ganitong uri ng drama katulad na lamang sa nangyaring sampalan kumakailan lamang sa pagitan ni Toni Fowler at ng aktres na si Sunshine Dizon!

Credit: Mommy Toni Fowler YouTube

Sa kahusayan ni Sunshine Dizon bilang isang aktres, wala talagang isang pagkakataon na hindi niya tayo napabilib sa kanyang bawat performance lalo na kapag isang kontrabidang karakter ang kanyang ginagampanan dahil matagumpay lang naman niyang nabubuhay ang galit at poot ng mga manonood. Sa kanyang effective na talento at skills sa pag-arte ay masasabi talaga na sobrang easy lamang para sa kanya na sumabak sa pranks dahil pati ang prankster at Pinay vlogger na si Toni Fowler ay napaniwala lang naman niya!

Credit: Mommy Toni Fowler YouTube

Nito lamang, ibinahagi ni Toni Fowler na isa na ang Kapuso actress na si Sunshine sa managers ng pamilyang Toro kaya madalas talaga na present sa kanilang fambam ang aktres. Dahil nito, mas naging close pa umano si Sunshine sa kanilang lahat lalo na kapatid ni Toni na si Marie. Sa closeness ng dalawa, umabot pa nga sa punto na nagkasundo silang baliktarin si Toni sa plano nitong prank.

Nagsimula talaga ang lahat nang nagkasundo si Toni at Marie na papaniwalain nila si Sunshine na magkagalit sila dahil sa mainit nilang pagsasagutan pero sa hindi pagkakaalam ni Toni, ini-reveal na pala ng kanyang kapatid sa aktres na prank lamang ang lahat kaya napagkasunduan ni Marie at Sunshine na i-rereverse prank nila ito.

Credit: Mommy Toni Fowler YouTube

Kung akala ninyo’y simpleng kampihan lamang ni Marie at Sunshine ang napagkasunduan ng duo puwes ay higit pa pala doon ang plano nilang reverse na prank dahil may sampalan palang mangyayari!

Credit: Mommy Toni Fowler YouTube

Habang patuloy na tumataas ang tension sa pagitan ni Toni at Marie, nakialam na si Sunshine at pinagsabihan ang vlogger na sumusobra na umano ito pero dahil sa determinasyon ni Toni na ipagpatuloy ang prank ay talagang ipinush pa niya ito hanggang nasampal nga siya ng aktres.

Credit: Mommy Toni Fowler YouTube

Of course, dahil hindi niya inaasahang makakatanggap siya ng sampal mula kay Sunshine, speechless talaga si Toni hanggang isinuwalat nga niya na prank lamang ang lahat. Dahil sa shookt niyang expression, kaagad namang ipinaalam ni Sunshine at Marie na reverse prank pala nila ‘yun.

Kahit na’y prank lamang ang nangyari, aminado talaga si Toni na ramdam na umano niya ang intensity sa noo’y napapanood lamang niyang heavy na drama sa TV.

Ysha Red

error: Content is protected !!