Toni Fowler ipanakita na sa kanyang fans ang kanyang napakalaki at napakalawak na Toro De Palacio!

Sa pagdagsa ng opportunities sa ating buhay, kinakailangan din nating magbigay ng ekstrang effort ngunit imbes na makaramdam ng pagod, nag-uumapaw ang ating excitement sa mga planong gagawin sa blessings na ating natatanggap ngayong bagong taon.
Credit: MOMMY TONI FOWLER YouTube
Ngayon na may bago ng bahay ang pamilyang Toro, determinado ang Pinay vlogger na si Toni Fowler upang mabigyan ng comfort ang bawat miyembro ng kanyang pamilya habang naninirahan sa kanilang bagong bahay. Kaya gusto niya talagang magkaroon ng iilang changes at improvements na inaasahan namang mas magpapaganda pa sa kanilang mala-palasyong bahay na kung tawagin niya bilang “Toro De Palacio”.
Maliban sa disenyo ng bahay na inspired umano sa Roman architecture, kahanga-hanga rin ang malawak na area sa unang palapag ngunit ayon kay Toni, gusto niyang gawing kapaki-pakinabang ang malaking space kaya naman nagkaroon siya ng mga ideya na ibinahagi naman niya sa kanyang fans.
At dahil mahilig sila ng kanyang baby girl na si Tyronia sa pagsayaw, gusto niyang gawing studio ang kanilang living room.
Credit: MOMMY TONI FOWLER YouTube
“Hindi ko talaga ‘to gagawing sala. Gagawin ‘tong studio. Lalagyan ko ‘to ng malaking salamin dito tapos dito kami magsasayaw ng aking anak,” sabi ni Toni.
Katapat naman ng kanilang hapag-kainan ay ang maliit na kusina ngunit may ibang plano si Toni dito dahil gusto niyang gawing editing room ang part na ito para sa kanyang vlogs.
“Gusto ko talaga ‘to gawing editing area para sa aming mga nagtatrabaho kaso baka hayaan ko muna siyang ganyan. Kasi naiba na ‘yung theme niya dito… ‘yung kusina area sa ganap ng palacio,” ayon sa kanya.
Credit: MOMMY TONI FOWLER YouTube
Bukod sa kanilang laundry area at mga kwarto ng kanilang mga kasambahay na nasa malawak na space sa may likuran ng kanilang bahay, nais ni Toni na magkaroon ng gym upang makapag-exercise umano ang bawat miyembro ng kanilang pamilya at manatiling malusog ang pangangatawan.
Credit: MOMMY TONI FOWLER YouTube
“Kung nakikita niyo ‘tong area na ‘to, sobrang laki niya. Gusto ko ‘to maging gym para siyempre… para healthy tayo,” saad ni Toni.
Credit: MOMMY TONI FOWLER YouTube
Mula sa kanilang malawak na garahe, engrandeng staircase, sosyal na swimming pool, talagang bonggang-bongga ang bagong bahay ng pamilyang Toro na sobra umanong kakaiba sa dati nilang condo. Nagmistulan na isang palasyo sa sinaunang panahon sa Egypt, tamang-tama talaga ang pangalang ibinigay ni Toni sa kanilang bahay!
Ngayon na nakalipat na sa “Toro De Palacio,” talagang desidido si Toni at ang pamilyang Toro na gumawa ng panibagong memories na habang-buhay na nakaukit sa kanilang mga puso.