Ugali ni Jericho Rosales sa kanyang fan, umani ng maraming reaksyon galing sa netizens

Ugali ni Jericho Rosales sa kanyang fan, umani ng maraming reaksyon galing sa netizens

Wala namang ibang nakakapagmay-ari sa ating sarili kung hindi ay tayo mismo kaya obviously, nasa atin ang lahat ng desisyon tungkol sa mga bagay na gusto at hindi natin gustong gawin. Kaya naman normal lamang para sa ibang artista na huwag pagbigyan ang isang fan sa gusto nito ngunit sa perception ng karamihan sa iilang sikat na personalidad sa showbiz na snub umano, pinatunayan naman ni Jericho Rosales na may mga artista pa ring katulad niya na tumutupad ng simpleng hiling ng isang fan.

Credit: @jerichorosalesofficial Instagram

Hindi naman sikreto sa karamihan na lumaki sa kahirapan si Jericho Rosales at kahit na’y naabot na ang tuktok ng kanyang career bilang isang matagumpay na aktor sa industriya ng showbiz, nananatili pa rin siyang humble, isang katangian na ipinamalas niya sa likod ng kamera na talagang hinangaan ng isang fan.

Bilang isang fan, hindi lamang natatapos sa admiration ang nararamdaman natin sa iniidolo nating artista dahil nangangarap din tayo na makita sila sa personal ngunit tila’y lapitin ng swerte si Dianne Adriano nang hindi lamang niya simpleng nakilala si Jericho dahil nagkaroon din sila ng picture nang magkasama!

Credit: @jerichorosalesofficial Instagram

Sa kuwentong ibinahagi ni Dianne sa isang Facebook post kung saan ay ibinahagi niya ang larawan nila ni Jericho, marami sa netizens ang bumilib sa kabutihang-loob ng aktor.

Nagtatrabaho bilang saleslady sa California Pizza Kitchen si Dianne nang nakita niya ang kanyang iniidolong aktor na si Jericho kaya kaagad umano niya itong nilapitan upang makapagpa-picture.

Credit: Dianne Adriano Facebook

“wait Ate, may hinahanap lang ako na store,” pagre-recall ni Dianne sa naging sagot ni Jericho nang humiling siyang makapagpa-picture.

Sa pag-aakalang inayawan siya ng aktor, kaagad naman na napasimangot si Dianne at inakalang masungit si Jericho ngunit makalipas ang 30 minuto, magkahalong kasiyahan at gulat ang naramdaman niya bilang isang fan nang binalikan umano siya ng aktor upang magkaroon sila ng picture.

“TARA NA ATE! PICTURE NA TAYO,” sabi umano ni Jericho sa kanya.

Credit: Dianne Adriano Facebook

Dahil sa ginawang ito ni Jericho, talagang kinilig at humanga siya sa kabutihan ng aktor. Sino ba kasi sa mga artista ngayon ang handang balikan ang isang fan para lamang sa isang picture?

Sa comment section ng mismo niyang post sa Facebook, talagang puring-puri si Dianne sa kabaitan ng kanyang idol na si Jericho.

“Yes ate. Mabait sya,” sagot ni Dianne sa kaibigan na nagkomento.

Credit: @jerichorosalesofficial Instagram

Maliit at trivial na bagay man ito para sa iilang artista, napakalaking bagay naman nito para sa fans, katulad ni Dianne dahil magsisilbi naman itong alaala ng isang bibihirang pagkakataon.

Ysha Red

error: Content is protected !!