Update sa “dream house” ni Solenn Heussaff at Nico Bolzico, ipinasilip!

Kung noon ay isa lamang simpleng pangarap na madalas na binubuhay sa imahinasyon, ngayon naman ay unti-unti nang nagma-materialize ang matagal nang pinapangarap na bahay ng showbiz couple na si Solenn Heussaff at Nico Bolzico.
Credit: @starkenph Instagram
Sa mga panahong dalaga’t binata pa, isang simpleng bahay na swak lamang para sa atin ang ating tanging pangarap pero sa pagkakaroon ng pamilya, nagsisimula na talaga tayong mag-isip ng mas malaking space para sa mga lumalaking mga chikiting. Bagama’t matagal na namang plano ni Solenn at Nico na magpatayo ng bahay para sa kanilang pamilya, hindi naman nila ito kaagad nagawa dahil kinakailangan pa nila ng sapat na ipon at dahil na rin sa p@ndemya pero ngayong may anak na sila, mas determinado ang couple na isakatuparan na ang matagal na nilang pinapangarap na bahay at Mayo nga ‘nung nakaraang taon, nagpatulong na sila sa Mundo Design+Build upang ipatayo ang kanilang “dream house” sa Alabang.
Credit: @starkenph Instagram
Ayon kay Solenn, kasalukuyan umano silang nakatira sa isang bahay pero wala umanong garden at hindi umano ideal ang space para sa makulit na si baby Tili kaya gusto umano niyang i-consider ang mga ito sa ipinapatayo nilang bahay ni Nico lalo na’t muli na namang madadagdagan ng bagong miyembro ang kanilang pamilya.
Bagama’t pareho man na busy sa sari-sariling work, nakatutok naman ang couple sa updates at progress sa ipinapatayong bahay kaya muli’t muli talaga nila itong binibisita. Sa latest nilang visit sa site, ipinasilip ng aktres ang improvement kung saan ay makikitang nakasemento na ang mga dingding at handang-handa nang pinturahan. Sa mga larawang ibinahagi ni Solenn sa kanyang IG stories, makikitang abot na ito hanggang sa ikalawang palapag at constructed na rin ang kanilang magiging balcony.
Credit: @starkenph Instagram
“Our walls to our new home were up in one week!” sulat ni Solenn sa kanyang caption kalakip ng larawan nila ng asawa na nakatayo at naka-pose katabi ng isang tarpaulin.
“Up in a week, coated, ready to be painted,” caption ng aktres sa isa pang larawan na ibinahagi niya.
Credit: @starkenph Instagram
Nakakamangha talagang isipin na ang noo’y simpleng pangarap at plano lamang ay unti-unti nang nabubuo. Talagang pinatunayan ni Solenn at Nico Bolzico na hindi lamang sila magaling sa pranks o responsible na mga magulang dahil isa rin silang determinadong dreamers na handang-handa gawin ang lahat upang maisakatuparan lamang ang matagal na nilang pinapangarap na bahay para sa kanilang mga chikiting.