Vice Ganda, all out sa pagbili ng regalo para mapasaya ang kanyang pamilya!

Kapag may gusto, talagang may paraan at kumakailan lamang nang pinatunayan ito ni Vice Ganda dahil sa kabila ng kanyang hectic na schedule, nagkaroon pa rin siya ng oras na makapag last minute shopping.
Credit: Vice Ganda YouTube
Imbes na unahin ang sarili, priority ng itinanghal na “Unkabogable Queen,” ang kanyang pamilya at ang kanilang kasiyahan kaya naman labis ang effort na ginawa niya upang mabilhan ito ng mga regalo na deserve naman umano ng bawat miyembro ng kanyang pamilya.
Nag-shopping sa Solaire Resort and Casino kasama ang kanyang kaibigan mula pa noong college na si Donald a.k.a “Donna” si Vice Ganda.
At dahil walang available na driver si Vice, talagang pinadalhan siya ng driver at ipinasundo ng limousine ng Solaire kung saan ay enjoy na enjoy sila ng kanyang kaibigan sa pag-inom ng wine habang nasa biyahe.
Credit: Vice Ganda YouTube
Ayon kay Vice, bawat taon umano siyang nagkakaron ng “last-minute shopping” dahil napakarami umano niyang trabaho pero hindi naman ito naging hadlang upang makabili siya ng mga regalo para sa kanyang pamilya.
“Taon-taon naman po talaga eh last-minute ang pa-shopping ko dahil ang dami kong trabaho kaya kahit anong ganap, sobrang busy man, marami mang nagaganap na hindi maganda sa paligid, I have to find time and I have to find a way to buy gifts for my family, for my loved ones,” sabi ni Vice.
Dagdag pa niya, “Anyway, ako talaga… I promised myself na kahit anong nagaganap sa taon, sa paligid, ise-set aside ko ‘yun. Gagawa ako ng paraan na makapagbigay ng regalo sa pamilya ko.”
Credit: Vice Ganda YouTube
Ang makapagbigay umano ng regalo sa mga taong mahal niya sa buhay ang “language of love” ni Vice kaya naman talagang malaki ang kanyang pagpapahalaga tungkol dito lalo na ngayong kapaskuhan.
Ikinuwento rin ni Vice na hindi siya masasabing “insensitive” ng netizens ngayong nagsho-shopping na siya ng mga ipanreregalo sa kanyang pamilya dahil tapos na umano siya sa kanyang duty bilang isang concern na mamamayan ng Pilipinas para sa mga taong nabiktima ng bagyong Odette.
“Kumalma kayo. Para sa ikakapanatag ng loob niyo, huwag kayong mag-alala. Nagawa ko ‘yung dapat kong gawin kaya huwag na kayong mag-isip ng kung anu-ano pa,” mensahe ni Vice para sa mga taong maaaring bumatikos sa kanyang bonggang pagsho-shopping.
Credit: Vice Ganda YouTube
Hiling naman ni Vice ngayong bagong taon ay, “For better, brighter, more successful, more fruitful, abundant 2022!”
Sa kabila ng kasikatang tinatamasa ngayon, talagang inuuna pa rin ni Vice ang kasiyahan ng kanyang pamilya dahilan kung bakit effortless niyang nabihag ang puso ng netizens.