Vice Ganda at mga kaibigan, natawa na lamang nang mahulog sa nilalaruang swing

Noong mga bata pa lamang tayo, laro at enjoyment lang talaga ang nasa ating isip ngunit sa patuloy nating pagtanda, mas nagiging mature at practical na tayo dahil parte ng adulting ay ang pagbabalanse ng fun at practicality na tila’y matagal nang nakasanayan ng komedyanteng si Vice Ganda.
Credit: Vice Ganda YouTube
Kung matagumpay at sikat na komedyante sa lokal na industriya ng showbiz ang pag-uusapan, tiyak na si Vice Ganda ang nangunguna dahil mula pa man noon hanggang ngayon ay nananatili talaga siya sa tuktok ng kanyang career at hindi kailanman naging laos sa publiko dahil sa hindi nakakasawa niyang jokes at patuloy na pag-iimprove ng kanyang kakayahan sa pagpapatawa.
Importante na maging maingat sa bawat pagkakataon pero sadyang may instances talaga sa buhay na hindi natin naiiwasang maaksidente o makasira ng iilang gamit dahil sa labis nating enjoyment na kadalasan ay hindi na natin namamalayan ang magiging resulta ng ating ginagawa katulad na lamang sa naging sitwasyon ni Vice Ganda at ng kanyang mga kaibigan na sina Tonton Soriano at MC Muah habang nasa kanilang bakasyon kumakailan lamang.
Credit: Vice Ganda YouTube
Sa video na ibinahagi ni Vice sa kanyang Facebook page nito lamang Miyerkules, mapapanood na salitan sa paglalaro sa swing ang magkakaibigan at kalaunan ay magkakasabay na nga na sumakay na nag-resulta sa pagkakaputol ng lubid at sa kanilang epic na pagkakahulog sa buhangin.
Of course, hindi naman kailanman inakala ni Vice, MC, at Tonton na mapuputol nila ang lubid ng swing kaya sobrang confident talaga sila sa kanilang pagsakay at hindi napaghandaan ang pagkahulog dahilan kung bakit labis silang natawa habang iniinda ang sakit sa katawan.
Bagama’t ramdam na ramdam man ang sakit sa katawan, hindi naman ito naging hadlang para sa magkakaibigan na kaaliwan ang sariling aksidente dahil sobrang epic umano ng kanilang pagkahulog sa swing.
Ngayong may fair na share sa kanilang enjoyment sa kanilang paglalaro sa swing, hindi naman nakalimutan ni Vice na tanungin ang crew kung magkano umano ang babayaran niya sa nasira nilang swing na talaga namang sobrang relatable sa netizens.
Credit: Vice Ganda YouTube
“YUNG NASAKTAN KANA TAPOS SASABIHIN MO MAGKANO BABAYARAN NAMIN 😂”
“hahaha natawa ako sa part na nasaktan kana nga tas sabay tanong kung magkano babayaran namin🤣🤣🤣”
“I can so relate kay Vice. Kahit masakit ang katawan, “okey lang. MAGKANO BABAYARAN namin” talaga tanong sa kahihiyan.”
“Yung babayaran yung nagdala…”
Credit: Vice Ganda YouTube
Bagama’t nauwi man sa disaster ang kanilang kulitan moment sa duyan, nagkaroon naman sila ng memory na forever nilang babalikan at pagtatawanan ng mga kaibigan.