Vice Ganda, ipinagshopping ang anak ni Ethel Booba na umabot ng higit P300k!

Wala talagang pinapalampas ang isang magulang kapag tungkol sa kanilang anak ang pinag-uusapan katulad na lamang ni Ethel Booba na siniguradong makakabawi si Vice Ganda sa inaanak nitong si baby Michaela dahil sa ilang taon nitong pagiging MIA. Hindi kailanman naging bago sa pandinig ng karamihan ang pangalan ni Vice Ganda.
Credit: Ethel Booba YouTube
Kahit sa kanyang mga kasamahan at naging kaibigan sa industriya ng showbiz, itinuturing din siyang celebrity sa mundo ng celebrities dahil sa kanyang unkabogable na performance bilang isang komedyante at artista. Dahil sa kanyang influence, marami-rami rin ang mga kaibigan ni Vice Ganda kaya talagang awtomatiko siyang kino-consider na maging isang ninang kapag nagkakaanak ang kanyang mga kumare pero dahil sa pagsabak niya sa “Can’t Say NO Challenge” ng kapwa komedyante na si Ethel Booba, hindi napigilan ni Vice na sabihin na sana’y naging maliit lamang ang kanyang “circle of friends.”
Sa vlog na ibinahagi ni Ethel nito lamang, kasama niya ang kanyang asawa at ang kanilang chikiting na si baby Michaela ngunit tila’y special para sa kanilang pamilya ang nasabing vlog dahil sa wakas, nakasama na rin nila ang isa sa mga ninang ng kanilang anak na si Vice na ayon kay Ethel ay matagal-tagal din na hindi nagparamdam.
Credit: Ethel Booba YouTube
“Nahanap ko na rin after two and a half years ang ninang ni Michaela,” sabi ni Ethel Booba.
Dahil sa pagiging MIA ni Meme Vice, hinamon siya ng kaibigan na sumabak sa isang challenge kung saan ay hindi siya maaaring tumanggi sa lahat ng mga bagay na gustong bilhin ni baby Michaela. Bagama’t hindi man sang-ayon noong una, bumigay naman siya kalaunan lalo na’t para naman ito sa kanyang inaanak.
Credit: Ethel Booba YouTube
Unang nag-shop sa isang mamahaling toy store ang grupo kung saan ay nagulat si Vice nang nalamang umabot pala sa halagang P124, 957 ang lahat ng napili ni baby Michaela. Kahit na’y napasubo man sa malaking bayarin, sinamahan pa rin ni Vice ang kanyang inaanak sa pamimili ng mga damit na umabot ng P192,000.
Credit: Ethel Booba YouTube
Kung ipagsasama ang lahat ng kanyang nabayaran sa dalawang pinuntahang stores, lagpas P300K ang lahat ng kanyang nagastos!
Credit: Ethel Booba YouTube
“Alam mo, tumatawag na sa akin ‘yung banko. Wala nang laman,” natatawang saad ni Vice.
“Ang hirap makipagkaibigan kaya gusto ko small circle lang. Ayaw ko talaga ng maraming kaibigan eh tapos ‘yung kaibigan mo, manganganak tapos kukunin kang Ninong kasi ipapaako ‘yung obligasyon nila sa buhay.”
Credit: Ethel Booba YouTube
Bagama’t malaki man ang nagastos, wala namang makakatumbas sa kaligayahang nararamdaman ni Vice Ganda nang pinasalamatan siya ni baby Michaela dahil talaga naman kasing nakakataba ng puso sa tuwing nakakapagpasaya tayo ng mga bata.