Vice Ganda, ipinasilip sa fans ang proseso para sa kanyang “P1M worth of smile”

Vice Ganda, ipinasilip sa fans ang proseso para sa kanyang “P1M worth of smile”

“1 million worth of smile talaga ito ‘no?” sabi ni Vice Ganda nang ibahagi nito ang pagpapaganda ng kaniyang mga ngipin.

Credit: Vice Ganda YouTube

Ang unkabogable star na si Vice Ganda ang ay sumailalim sa isang treatment kung saan gumastos ito ng 500 million pesos.

Kamakailan ay nag upload ng isang YouTube video vlog si Vice kung saan binisita nito ang kaniyang private dentist na si Dr. Ralph delas Alas ng Urban Smiles na siya ring dentista ng kaniyang partner na si Ion Perez para mag pa-zirconia crowns at veneers.

Credit: Vice Ganda YouTube

Matapos ang procedure na ginawa kay Vice Ganda, tinanong nito si Dr. Ralph magkano ang kaniyang nagastos.

“Usually, ‘pag ganito, magkano ang inaabot ng ganito? ‘Yung ginawa mo sa akin, magkano itong procedure na ito?” tanong ni Vice Ganda kay Dr. Ralph.

“Yung totoo? Usually, nasa mga ano, nasa half M [million],” sagot ni Dr. Ralph.

“Kalahating milyon itong ano… kaya ‘pag nabuo ito, 1 million worth of smile talaga ito ‘no!” sabi ni Vice Ganda.

Hindi naman nakalimutan ni Vice Ganda na magpasalamat kay Dr. Ralph at sa iba pang staff ng Urban Smiles sa magandang resulta ng kaniyang teeth treament.

Credit: Vice Ganda YouTube

“Thank you very much. At tsaka kaya ako happy talaga, kasi naramdaman ko tama na ‘yung bite ko,” saad ni Vice.

Ipinaliwanag din nito na bothered siya sa kumento ng kaniyang mga followers sa tabingi niyang ngiti noon. Pero ngayon laking tuwa ni Vice Ganda na unti-unti na itong naayos sa tulong ng Urban Smiles.

Credit: Vice Ganda YouTube

“Kasi ang concern ko lagi, ‘pag nagpapa-picture napapansin nu’ng mga ano ko, ‘yun mga followers ko ‘yun, parang tabingi ‘yung smile ko kasi yung bite parang medyo ngiwi,” saad ni Vice Ganda.

“Unti-unting nako-correct na ni doc specially ‘pag nabuo pa natin pati ‘yung sa ilalim,” dagdag pa nito.

Credit: Vice Ganda YouTube

Maraming netizens ang natuwa sa buong procedure ng treatment ni Vice Ganda, dahil hindi lang sa nakakaluwang presyo nito pati na rin sa kasiyahang hatid nito sa manonood.

Ysha Red

error: Content is protected !!