Vice Ganda, nagulat nang malamang first time pa lang makakita ni Dra Vicki Belo ng katol

Hindi talaga maipagkakaila na may mga pagkakaiba ang mga taong laki sa hirap at mga taong laki sa yaman katulad na lamang ng mga bagay na maaaring normal lamang para karamihan pero isa na palang bagong experience para sa mga mayayaman.
Credit: Vice Ganda YouTube
Tunay nga naman na mahirap makahuli ng lamok kaya para protektahan ang ating sarili, effective talaga ang pagkakatol. Kung iisipin, isa ito sa ating daily na essentials kaya laking gulat na lamang ni Vice Ganda nang nadiskubreng hindi pa pala kailanman nakakita o gumamit si Dra. Vicki Belo ng katol kaya kaagad siyang nag-volunteer na ipaalam sa huli kung ano nga ba ang silbi ng katol at kung paano ito ginagamit.
Matapos ang revelation ni Vice sa “dirty secrets” sa bahay ni Dra. Belo sa Makati, pinakialaman naman niya ang mga gamit sa kwarto kung saan ay nakita niya sa drawer ang isang box ng katol.
Credit: Vice Ganda YouTube
“Katol nga ‘yan. Anti-dengue mosquito coil. Ginagamit ‘to sa lamok,” sabi ni Vice.
Bagama’t bago man sa paningin at inamin man na hindi siya kailanman gumamit ng katol, buong-puso namang tinanggap ni Dra. Belo ang challenge ng komedyante at ito ay ang paghiwalayin ang katol nang hindi nababali.
“You have to learn how to do it. Sa mga pangkaraniwang bahay dito sa Pilipinas, may mga ganito. Lumalaki kami ng may katol para hindi kami nilalamok,” ayon pa kay Vice.
Matapos obserbahan ni Dra. Belo ang structure ng katol, kaagad naman niya itong sinubukang paghiwalayan at napagtagumpayan ito sa unang try kaya ganoon na lamang ang paghangang naramdaman ni Vice at todo talaga ang hiyawan ng kanilang mga kasamahan. Sino ba naman kasi ang hindi bibilib na sobrang hirap naman talagang paghiwalayin ng katol lalong-lalo na para sa mga first-timer?
Credit: Vice Ganda YouTube
At dahil successful niyang na-accomplish ang “paghiwalayin ang katol” challenge ni Vice, labis ang kasiyahan at satisfaction na naramdaman ni Dra. Belo pero hindi lang pala dito natatapos ang lahat dahil muli lang naman siyang hinamon ng komedyante na ilagay ito sa stand na ilang ulit niyang sinubukan bago nagawa ng maayos.
Dahil sa karagdagang kaalaman ni Dra. Belo, malaki ang pasasalamat niya kay Vice dahil naka-gain umano siya ng essential na “life skill”.
Credit: Vice Ganda YouTube
Nabiktima man ng prank at in-expose man sa publiko ang kanyang “dirty secrets,” mas nangibabaw naman para kay Dra. Vicki Belo ang pasasalamat niya kay Vice Ganda dahil sobrang helpful umano ang pagkatuto niya kung paano paghiwalayin at gamitin ang katol.