Video ng anak ni Anne Curtis na si Dahlia na ginagawa ang sound ng pusa, kinaaliwan ng netizens!

Video ng anak ni Anne Curtis na si Dahlia na ginagawa ang sound ng pusa, kinaaliwan ng netizens!

Kahit gaano naman tayo ka-mature, hindi pa rin natin naiiwasang mahulog sa charms ng mga bata dahil tunay nga naman kasing effortless ang pagpapaandar nila ng kanilang kabibohan at kakulitan moments na hindi kailanman nila tayo nabibigong patawanin at pasayahin.

Credit: @annecurtissmith Instagram

Simula nang pinasok ang industriya ng showbiz bilang isang aktres, talagang nakabuo si Anne Curtis ng sarili niyang pangalan at matagumpay na nakapag-establish ng magandang reputasyon dahil sa kanyang nakakabilib na talento sa pag-arte. Maliban sa kanyang husay at galing sa nasabing larangan, kilala rin worldwide si Anne dahil sa kanyang natural na beauty na maaaring itulad sa isang diyosa. Tunay nga naman kasing nakakahalina ang kanyang kagandahan!

Sa buong career ni Anne sa showbusiness, open naman ang aktres sa kanyang personal na buhay lalong-lalo na sa kanyang buhay pag-ibig. Matapos nang ibinalita niya sa publiko ang pagbubuntis niya sa unang anak nila ng kanyang asawa na si Erwan Heussaff, marami talaga ang sumusubaybay sa kanilang buhay ngayong isa na silang ganap na mga magulang sa chikiting na si baby Dahlia Amélie.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Anne Curtis (@annecurtissmith)

Of course, ilang ulit naman nating natunghayan ang pagiging kikay ni Anne lalo na kapag kasama niya ang kapwa “It’s Showtime” hosts at kahit na’y hindi man umiikot sa pag-arte ang career ng kanyang asawa na si Erwan, hindi naman ito tuluyang nalalayo sa mundo ng showbiz kaya hindi rin lingid sa kaalaman ng fans na mataas din ang “sense of humor” nito kaya talagang marami ang naaaliw sa baby girl ng couple na si Dahlia dahil sadyang hindi ito nauubusan ng ideya pagdating sa kabibohan at kakulitan.

Credit: @annecurtissmith Instagram

Sa video na ibinahagi ni Anne sa Instagram kumakailan lamang, ibinida niya ang cuteness ng anak kung saan ay mapapanood at maririnig itong gumagaya sa pagngiyaw ng isang pusa dahilan kung bakit kaagad na nag-melt ang puso ng netizens.

Sporting ang kanyang hairstyle na personal na ginawa ng kanyang Mommy Anne, inihalintulad ni baby Dahlia ang kanyang pigtails sa tenga ng pusa.

“Meow! I’m a cat with the ear,” sabi ni baby Dahlia sa napaka-cute niyang boses.

Credit: @annecurtissmith Instagram

Maliban sa genes, hindi rin maitatanggi na kopyang-kopya rin ni baby Dahlia ang kakulitan ng kanyang parents dahil simula nang siya’y ipinakilala sa publiko ng kanyang Mommy Anne at Daddy Erwan, wala talagang humpay sa pagbibigay ng kasiyahan ang kanilang chikiting dahil tunay nga naman kasing nakakagaan ng puso ang nakakaaliw niyang moments!

Ysha Red

error: Content is protected !!