Vilma Santos, naging emosyonal nang nalamang magiging Lola na siya!

Vilma Santos, naging emosyonal nang nalamang magiging Lola na siya!

Sa wakas, magkakaroon na rin ng baby ang couple na si Jessy Mendiola at Luis Manzano. Sa magandang balita na ito, talo pa ng kanilang Momskie na si Vilma Santos ang taong kakapanalo lamang ng lotto dahil abot-langit lang naman ang nararamdaman niyang kasiyahan at excitement ngayon sa katotohanang magiging Lola na siya!

Credit: @senorita_jessy Instagram

Sa pamamalagi at pamamayagpag ng “Star For All Reasons” na si Vilma Santos sa industriya ng showbiz, ilang ulit na siyang nanalo ng awards at itinanghal bilang isa sa mga mahuhusay na aktres. Bagama’t patuloy man na dumadami ang pag-angat ng bagong mga artista sa kasikatan, tila’y wala talagang makakapalit sa pagiging iconic ng beteranang aktres ngunit sa kabila ng kanyang sandamakmak na achievements, mukhang hindi yata makaka-compare ang mga ito sa magkahalong emosyon na meron siya ngayong magkakaroon na siya ng apo sa anak na si Luis Manzano at sa asawa nitong si Jessy Mendiola.

Credit: @senorita_jessy Instagram

Matatandaang kumakailan lamang nang official na inanunsyo ng couple na kasalukuyan ngayong ipinagbubuntis ni Jessy ang pinakaunang baby nila ni Luis pero sa ibinahagi nilang vlog, nabalitaan ng netizens na noon pa palang buwan ng Mayo sa celebration ng “Mother’s Day” nalaman ng kanilang Momskie Vilma ang magandang news kung saan ay inamin niyang naiyak siya sa revelation na hatid ng anak at ng kanyang manugang.

Sa pagbabalik-tanaw ni Vilma, binati umano siya ni Luis at Jessy ng “Happy Mother’s Day” nang bigla na lamang siyang hinimok ng anak na batiin rin si Jessy. Noong una, naguguluhan pa si Vilma ngunit nang napagtanto niya ang nais ipabatid ng anak at nang sa wakas ay nilinaw na ni Luis na magiging Mommy na ang kanyang asawa, kaagad na naging emosyonal ang beteranang aktres.

Credit: @senorita_jessy Instagram

“Iyon talagang maiyak-iyak ako. ‘Totoo ba? Totoo ba? Oh my god!’ Halos maiyak ako na hindi ako makapaniwala. Jusko! Sa tagal-tagal kong hinintay ‘yung talagang apo ngayon, mayroon na,” sabi ni Vilma.

Bagama’t maghihintay pa man ng iilang buwan bago pisikal na makita at makilala ang magiging apo, hindi na talaga ma-contain ni Vilma ang kanyang excitement. Sa katunayan, may nickname na siya para sa apo at ito ay “Peanut”.

Matapos ang mahabang panahon na paghihintay na maisakatuparan ang kanyang kahilingan na magkaroon ng apo, sa wakas ay magiging Lola na rin si Vilma Santos.

Ysha Red

error: Content is protected !!