Viy Cortez at Cong Velasquez, ipinasilip ang kanilang ipapatayong mansion!

Viy Cortez at Cong Velasquez, ipinasilip ang kanilang ipapatayong mansion!

Ngayong isa nang ganap na mga magulang ang couple na si Viy Cortez at Cong Velasquez, nag-iiba na talaga ang kanilang priorities sa buhay. Noong sila’y dalaga at binata pa, labis ang oras at panahong iginugol ng dalawa sa pagpapatayo ng sariling negosyo at pag-iipon ng pera para sa kanilang future kaya bahay naman ngayon ang pinagkakaabalahan nila!

Credit: @viycortez Instagram

Bagama’t mayroong magandang bahay na tinitirhan ngayon kasama ang kanilang pamilya, nais pa rin ni Viy Cortez at Cong Velasquez na magkaroon ng sarili nilang bahay lalo na’t dumating na sa kanilang buhay ang kanilang chikiting na si Zeus Emmanuel o kung tawagin nila sa palayaw nitong si baby Kidlat.

Ngayong na-check na sa kanilang bucket list ang pag-iipon ng savings at pagkakaroon ng sariling negosyo, bahay naman ang susunod na isasakatuparan ni Viy at Cong kung saan ay ipinasilip nila kumakailan lamang sa Facebook ang magiging look ng kanilang “dream house!”

Sa ibinahaging mga larawan ni Viy sa Facebook, makikitang moderno ang design ng ipapatayo nilang bahay at mayroong tatlong palapag kaya talagang super laki na animo’y isang palasyo ang kanilang titirhan!

Credit: Viy Cortez Facebook

“Soon to rise,” caption ni Viy sa nasabing post. Pagkukuwento pa ni Momshie Viy, sa ipapatayo umano nilang “dream house” palalakihin nila ni Cong ang kanilang chikiting na si baby Kidlat.

“Pangarap ko ito, magkaroon kami ng sariling bahay ni Cong. Dito namin papalakihin si kidlat Thankyou Lord,” pahayag ni Momshie Viy.

Sa napakalaking size ng kanilang ipapatayong “dream house,” tila’y isa na itong palasyo kung maituturing. Of course, paniguradong mamumuhay bilang isang reyna at hari si Viy at Cong kasama ang kanilang munting prinsepe na si baby Kidlat.

Credit: Viy Cortez Facebook

Dahil sa awesome na design ng magiging bahay nila, talagang marami ang namangha kung saan ay idinaan nila sa pagbibiro ang kanilang comments. Iilan lamang sa nakakatuwang komento ng netizens ay:

“APPLY PO AKO WORK ! ULTIMO SAHIG NYO PO MAGIGING SALAMIN”

“Kahit taga laba lang po ng kurtina niyo, abot ko yan ”

“Bahay pala yan, akala ko resort”

Credit: Viy Cortez Facebook

“APPLY PO AKO WORK, TAGA TANGGAL PO NG AGIW SA KISAME”

Ang pagpapatayo ng sariling bahay ng couple ay hindi lamang isang katuparan sa kanilang pangarap dahil nagsisilbi rin itong physical na simbolo sa lahat ng kanilang effort upang ma-achieve ang kanilang tinatamasang kasikatan. Parang resort ba? Hindi po. Mala-palasyong bahay lang.

Ysha Red

error: Content is protected !!