Viy Cortez, pinuna ang reaksyon ng kanilang “kapitbahay” na si Cong Velasquez dahil tinalo pa umano nito si baby Kidlat

Sa nararamdaman nating sobrang kasiyahan ay hindi na talaga natin nakokontrol ang ating reaksyon katulad na lamang ni Cong Velasquez na tila’y tinalo pa ang sariling anak sa pagkawili.
Credit: @viycortez Instagram
Ngayong isa ng ganap na pamilya, sobrang hands-on talaga sa kanilang Momshie at Papshie roles ang power couple na si Viy Cortez at Cong Velasquez dahil kahit abala man sa kani-kanilang trabaho at business ay sinisigurado pa rin nila na may oras sila para makipag-bonding kay baby Kidlat.
Matapos ipinakilala ni Viy at Cong si baby Kidlat sa publiko, madalas talaga nating napapansin na palagi na lamang itong mahimbing na natutulog sa tuwing kinukuhanan ng mga larawan kaya bago talaga para sa karamihan ang matunghayan itong alert at humahagikhik pa nga sa recent na video ni Viy.
Sa bidyo na ibinahagi ni Viy sa Facebook nito lamang nakaraang mga araw, mapapanood kung paano niya kinikiliti si baby Kidlat na karga-karga ni Cong. Pagkukuwento pa ni Viy, ito umano ang pinakaunang pagkakataon na narinig nilang tumawa ang kanilang chikiting kaya sobrang wholesome umano talaga ng moment nilang ito.
“Ito yung first time namin narinig na tumawa si Kidlat 🥹😍,” ayon kay Viy.
Maliban sa cute at mala-anghel na paghahagikhik ni baby Kidlat, tila’y may kahati naman siya sa spotlight dahil hindi rin naiwasan ng netizens na mapansin ang reaksyon ni Cong na para ba siya’y kinikiliti ng todo.
Maliban sa sweetness ng couple ay labis din silang kinaaliwan ng netizens dahil sa kanilang kulitan katulad na lamang ng pabirong pagtawag ni Viy kay Cong ng “kapitbahay”. Sa katunayan, siya pa nga ang pinakaunang nagpuna sa reaksyon ni Cong habang pinapatawa nila ang kanilang chikiting.
“Grabe reaksyon ng kapitbahay namin😅,” komento ni Viy na umani naman ng 18,000 na HAHA react mula sa netizens.
Aside kay Viy, labis din na pinagkatuwaan ng netizens ang naging reaksyon ni Cong. Iilan lamang ito sa kanilang mga komento:
Credit: @viycortez Instagram
“Yung reaksyon ng ninong matindi pa sa tatay. Peace. Haha”
“HAHAHAHAHAHAHA GRABE YUNG BIBIG NI KUYA COCON! HAHAHAHAHAHHAHAAH”
“Yung reaction ni cong!!”
“Pati ako napapanganga kay Cong! Hahahahahahahahahaha”
Credit: @viycortez Instagram
“Tuwang tuwa yong kapitbahay feeling family HAHAHAHAHAHAHA “
“Mas natutuwa po yung kapitbahay niyo ma’am viy🥹🤣”
Tunay nga naman na kakaiba sa feeling sa tuwing nasasaksihan natin ang bawat “first” ng sariling anak kaya siguro ganoon na lamang ang naging reaksyon at napapanganga talaga si Cong ng matindi dahil sobrang genuine lang naman kasi ng moment nilang ito.