Wais na misis na si Neri Naig, masayang ibinalitang pwede nang paupahan ang kanilang bahay sa Baguio!

Tara na’t mag-Baguio! Ngayong nanunumbalik na ang excitement ng mga tao sa ipinagmamalaking Panagbenga festival ng kinikilalang “City of Pines” matapos ang mahigit dalawang taon, abala talaga ang karamihan sa pagpaplano at isa na nga sa mga ito ay kung saan sila pansamantalang titira pero solve na ang problemang ito dahil masaya lang namang ibinalita ni Neri Naig na pwede nang paupahan ang bahay nila sa Baguio!
Credit: @mrsnerimiranda Instagram
Kakaiba talaga ang powers ng isang Neri Naig lalo na pagdating sa investments at ventures dahil sobrang perfect lang naman ng timing sa pagtatapos ng renovation sa bahay nila ng asawa niyang “Parokya Ni Edgar” frontman na si Chito Miranda sa Baguio dahil sa month-long na celebration ng Panagbenga festival kaya aasahan talaga na maraming turista ang bibisita at makikisaya. Of course, dahil mahaba-haba ang celebration nito, numero uno talaga sa hinahanap nila ay ang matitirhan at may iba pa nga bang perfect na lugar para tirhan maliban na lamang sa “The Hillside House” ng mga Miranda?
Credit: @mrsnerimiranda Instagram
Disyembre noong nakaraang taon nang nagdiwang ng kapaskuhan ang buong Miranda family sa kanilang bahay sa Baguio at makaraan ang ilang buwan ay ipinasilip naman ito ni Neri sa publiko kung saan ay sobrang bet ng netizens ang open bedroom sa attic, wooden interior, spacious na garden, at pergola na favorite tambayan nila.
Credit: @mrsnerimiranda Instagram
Ngayong nalalapit na ang Panagbenga festival, halos hindi na talaga magkamayaw ang karamihan. May iilan pa nga na kumukulit kay Neri kung pauupahan na ba niya ang “The Hillside House” na sinagot naman niya sa latest niyang post sa Instagram.
Credit: @mrsnerimiranda Instagram
“Eto na ang Baguio House ng Mirandas! 🤗 Maliit lang yung house pero may malaking garden na pwede talagang magtakbuhan ang mga bata. Good for 11 pax pero pwede naman lumagpas. Saka meron din 1 room for your driver and or your angel sa staff house. Marami ring outdoor spaces para mas feel talaga ang ginaw ng Baguio. May space din para sa ihawan. Ang the best tambayan namin sa pergola yung pa-sunset na hanggang pagabi dahil super ganda ng view. Pero kakailanganin ng makapal na jacket. Pwede ring mag-bonfire habang tamang tambay with family and friends. Kaya pwede nang i-rent ang @baguiohillsidehouse! ❤️,” sulat niya sa caption.
Credit: @mrsnerimiranda Instagram
Sa lugar na ito ng mga Miranda sa Baguio, hindi lamang ito sulit sa bulsa dahil sa kagandahan ng lugar dahil swak na swak din ito para sa pamilya o hindi kaya’y para sa mga magbabarkada kaya hindi na talaga kataka-taka kung marami na ang nag-uunahan nito ngayon.