Wilma Doesnt, ipinasilip na ang magagandang prenup pictures nila ng kanyang longtime partner na si Gerick Parin!

Marami ang nangangarap na pakasalan ang taong hindi lang nila mahal kundi mahal din sila gaya ng pagmamahal nila rito. Isa na rito si Wilma Doesnt na kilala sa industriya ng showbiz bilang isang mahusay na komedyante, aktres, at host.
Credit: @doesntwilma Instagram
Matatandaan na sa kanyang kaarawan, Hulyo 10 noong nakaraang taon, natupad ang matagal nang pangarap ni Wilma at ito ay ang ma-engaged sa kanyang longtime partner na si Gerick Parin.
Tulad ng mga soon-to-be-married couples ay siyempre nagsagawa rin sila ng kanyang fiance ng isang prenup photoshoot na ginanap sa Camp Agos, Daraitan sa Tanay, Rizal.
Kamakailan ay usap-usapan ang mga ipinost na prenup pictures ni Wilma sa kanyang Instagram account. Sa mga litrato’y litaw na litaw naman talaga ang angking natural na ganda ni Wilma. Hindi rin maitatago ang ka-sweet-an nila ni Gerick.
Masaya ring ini-reveal ni Wilma sa caption na inabot ng 15 taon ang kanyang paghihintay para sa magagandang litrato nila ni Gerick.
Credit: @doesntwilma Instagram
Kwento ni Wilma, sobrang saya niya dahil sa wakas ay may litrato na sila ni Gerick na pwede niyang ilagay sa kanyang pitaka.
“Oh diba!!!finally!!!may maganda na kaming picture together na hindi ako basa!!!may mailalagay na ako sa wallet ko!!!”ani Wilma.
Dagdag niya, “15yrs ang hinintay ko para sa pic na ito noh!!!!!”
Idinaan naman sa biro ni Wilma ang kanyang taos-pusong pasasalamat sa mga taong nasa likod ng kanilang matagumpay at magandang prenup photoshoot.
Credit: @doesntwilma Instagram
Saad niya, “Salamat sa lahat ng tumulong sa amin. Photo-Chuckie Jude Samonte Zabella salamat sa walang sawa mong pagpapa akyat sa akin sa mga bati.model ako ha,hindi rock climber!!!! Video-Forevermine Wedding Films na feeling nya ung mga bato ay patag para patakbuhin kami ng naka paa!!”
Credit: @doesntwilma Instagram
Patuloy niya, “Stylist-Omar Sali na sana ang gusto nmin ni bebelub ay simple at shorts lang..but no!!!ikaw na ang nag decision kya wala kami choice!! Make up artist-Ray Bien Gonzaga Maglonzo salamat sa napaka raming chika at konting make up!!!!waaaaa Hairstylist-@keigh dones salamat sa patubig mo sa buhok ko!! Coordination-@momentsbyruffa salamat sa pinadala mo masaya sila at nakatulog ng maayos!!!!”