Wilma Doesnt, nakatanggap ng “best gift” sa kanyang nagdaan na kaarawan

Wilma Doesnt, nakatanggap ng “best gift” sa kanyang nagdaan na kaarawan

Isa si Wilma sa mga mahuhusay at magagandang artista at modelo sa industriya ng showbiz. Bukod doon ay may talento rin siya sa pagpapatawa kung kaya’t ganoon na lamang ang kanyang kasikatan bilang isang komedyante. Ano pa nga ba ang kulang sa isang Wilma Doesnt?

Credit: @doesntwilma Instagram

Sa walang kupas na kagandahan ni Wilma ay hindi mapaghahalataan na isa na siyang ina sa tatlo niyang mga anak. Taliwas sa karakter na palagi niyang ipinapakita sa telebisyon ay may mga pagsubok din na pinagdaanan si Wilma at isa na nga rito ay ang pagkabigo sa pag-ibig.

Credit: @doesntwilma Instagram

Ayon kay Wilma ay masaya naman siya sa piling ng tatlong anak na si Asiana, Emilia, at Araion. Sa isang interview ni Wilma noong 2016 ay hindi niya itinanggi ang katotohanang naghirap siya bilang isang single mother pero wala naman umano siyang pinagsisihan sa nangyari kahit hindi man naging matagumpay ang nakaraang relationships.

Sa kabila ng lahat ay nakaahon din si Wilma sa madilim niyang nakaraan. Bigo man ang nakaraang pag-ibig, ngayon naman ay talagang makulay na ang lovelife ng aktres.

Credit: @doesntwilma Instagram

July 10, Sabado nang ipinagdiwang ni Wilma ang kanyang kaarawan kasabay ng kanyang anunsyo sa balita na siya ay engaged na sa longtime partner na si Gerick Livelo Parin, ang taong kasalukuyang nagpapasaya kay Wilma bukod sa mga anak.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Wilma Dassent (@doesntwilma)

Sa pahayag ni Wilma sa kanyang caption matapos ibahagi ang video sa naganap na biglaang proposal nang nag-host siya sa isang event sa outdoor resort ay sinabi niyang nagsilbi itong “best gift” para sa kanya.

Credit: @doesntwilma Instagram

“The best birthday gift ever!!!! Happy birthday to me!!” Sabi ni Wilma.

Bilang isang babae na nakaranas ng iilang heartbreaks noon ay nagbigay rin ng mensahe si Wilma sa kapwa niya mga babae.

Credit: @doesntwilma Instagram

“To all the women out there, never give up on love. Your past doesn’t define you, nor your mistakes in life. I called it process…trust the process kasi may mas magandang naghihintay sa’yo. Patience is a virtue..but for patience is a waiting. Learn to wait..your time will come no matter what, it will happen. Never lose yourself because you made mistakes. Forgive yourself, respect and love yourself above all para mahanap ka ng taong nakatakda para sa’yo,” sabi ni Wilma.

Credit: @doesntwilma Instagram

Nagpasalamat rin si Wilma sa mga taong naging parte ng kanyang buhay na siyang naging katulong niya upang lagpasan ang lahat ng kanyang pinagdaanan noon.

Credit: @doesntwilma Instagram

“Maraming maraming salamat sa lahat ng naging parte ng buhay ko!!! Mahal na mahal ko kayong lahat!!!”

Credit: @doesntwilma Instagram

Marami naman ang nasiyahan para kay Wilma Doesnt, lalong-lalo na ang kanyang mga fans.

Ysha Red

error: Content is protected !!