Wilma Doesnt-Parin, nagkaroon ng mala-fairytale na wedding sa Tagaytay!

Wilma Doesnt-Parin, nagkaroon ng mala-fairytale na wedding sa Tagaytay!

Normal lamang para sa isang babae ang mangarap na magkaroon ng engrande at mala-fairytale na wedding at kahit na’y marami naman ngayon ang pumipili ng simpleng kasal, talagang walang pinalagpas ang bride na si Wilma Doesnt dahil masasabi talaga na isinakatotohanan niya ang matagal na niyang pinapangarap na kasal!

Credit: @doesntwilma Instagram

Mula sa suot na gown, reception, at konsepto ng kanilang wedding, masasabi na parang kakalabas mula sa isang fairytale na libro ang espesyal na event sa buhay ni Wilma at ng kanyang partner na si Gerick Parin.

Of course, bilang isang mahusay na modelo at magandang aktres, super bagay talaga kay Wilma ang kanyang suot na gown na mismong dinisenyo ni Randy Ortiz habang sobrang neat at gwapo namang tingnan ni Gerick sa suot nitong puting suit na pinaresan niya ng itim na bowtie.

Base sa mga larawang ibinahagi ng Forevermine Wedding Films sa kanilang story sa Instagram, nalaman ng netizens na sa Aquila Crystal Palace pala ginanap ang wedding ni Wilma at Gerick noong Marso 24 na dinaluhan ng kanilang pamilya, mga malalapit na kaibigan, at kasamahan sa showbiz.

Credit: @doesntwilma Instagram

Mula sa design na punong-puno ng kulay puti at violet na mga bulaklak, at naglalakihang chandelier na nagmimistulang ginto, mala-fairytale talaga ang wedding ni Wilma at Gerick, isang katotohanan na nagpupuwersa sa fans ng aktres na mapasabi ng “Sana all!”

Dahil sa napaka-engrandeng setup sa kasal ni Wilma at Gerick, mas lalo lamang itong matatandaan ng couple sa habangbuhay. Sa labis na kasiyahang nararamdaman, hindi napigilan ng aktres slash comedienne na ipahayag ang kanyang pagpapasalamat sa mga taong nasa likod ng kanilang perpekto at espesyal na araw.

Credit: @doesntwilma Instagram

“At nagtagpo na nga aking katawang lupa at kaluluwa!!!ok na ako nakababa na ako ng langit!!! hindi ko alam kung ano ang nagawa ko sa buhay para sa napakagandang set up at venue!!! alam na sa mga gustong magpakasal wag matakot magtanong at magsabi kung ano ang gusto mo sa araw na iyon in my case its a DREAM..napaka bongga ng execution lahat perfect,” ayon kay Wilma.

Matatandaan na isa ring pasab0g na surpresa para kay Wilma ang hinandang proposal ni Gerick noong Hulyo 2021 at simula ‘nun, talagang naging sentro sa atensyon ng publiko ang bawat ganap sa buhay ng couple.

Credit: @doesntwilma Instagram

Congratulations sa bagong kasal!

Ysha Red

error: Content is protected !!