Yam Concepcion, ini-reveal na engaged na sila ng kanyang non-showbiz boyfriend noong pang 2018

Yam Concepcion, ini-reveal na engaged na sila ng kanyang non-showbiz boyfriend noong pang 2018

Taong 2013 nang pinasok ni Yam Concepcion ang mundo ng showbiz at tuluyang nakilala nang gumanap bilang isa sa mga karakter ng pelikulang pinamagatang “Dug0ng Buhay”. Magmula noon hanggang ngayon ay naging matagumpay ang kanyang buong career bilang isang aktres. Bukod sa angking ganda ay mahusay din si Yam sa pag-arte dahilan para hangaan siya ng karamihan.

Credit: @yamconcepcion Instagram

Kahit na busy ang schedule niya ay hindi naman nakakalimutan ni Yam ang kanyang love life. Busy man sa trabaho ay nagagawa pa rin ni Yam na maglaan ng oras para sa long time boyfriend na si Miguel Cuunjieng, isang Associate Director sa isang kompanya sa New York.

Dahil sa trabaho ay sila ay nasa long-distance relationship na status. Ayon pa kay Yam ay nasanay na umano silang dalawa na magkalayo pero napapanatili naman nila ang kagandahan ng kanilang relasyon. Sa kabila ng pangungulila sa isa’t-isa ay nakayanan naman ni Yam at ng kanyang boyfriend na si Miguel ang kanilang sitwasyon. Ayon pa kay Yam ay ang sikreto nilang dalawa ay mutual trust at constant na komunikasyon dahilan para magtagal sila at umabot ng anim na taon.

Credit: @yamconcepcion Instagram

Nito lamang Mayo ngayong taon ay napagdesisyunan ni Yam na lumipad papuntang New York upang makasama ang longtime boyfriend na si Miguel. Sinulit umano ni Yam ang kanyang break sa l0cked-in taping para sa drama na “Init ng Magdamag”.

Maaalalang sa interview niya kasama si Toni Gonzaga noong buwan bago magpuntang ibang bansa si Yam, sinabi niyang nasanay na umano siya sa LDR at wala namang pinagbago iyon para sa kanila ni Miguel.

Credit: @yamconcepcion Instagram

“Nasanay na rin kaming LDR (long distance relationship) so parang this is nothing new to us, magkalayo pa rin kami. Sobrang swerte lang kasi nakauwi siya dito nung end of December until January bago kami nag l0cked-in taping ulit. We had time together naman.”

Sa ilang taon nilang pagsasama ay marami ang nagtataka kung wala pa ba silang planong magpakasal lalo na’t hindi naman nasubok ng layo ang kanilang relasyon at nanatiling matibay. Nito lamang araw, June 23 nang ibinahagi ni Yam Concepcion sa kanyang Instagram ang larawan kung saan ay kasama niya ang boyfriend na si Miguel.

Credit: @yamconcepcion Instagram

Ang larawan na iyon ay mula pa noong December 31, 2018 sa kalagitnaan ng kanilang trip papuntang Niseko, Japan. Ginulat ni Yam ang kapwa celebrities pati na rin ang kanyang mga fans nang ibinunyag kung kailan nag-propose ang kanyang long time boyfriend sa kanya.

“A thousand cranes YES,” sulat ni Yam bilang caption at idinagdag ang petsa ng kanilang engagement na noon pa palang December 31, 2018.

Credit: @yamconcepcion Instagram

Marami ang nagtaka at nagsabing baka nagkamali lamang ang aktres sa nalagay na petsa pero sa comment section ay makikita ang eksplenasyon ni Yam.

“Congrats!! Haha Teka Bakit 2018?” tanong ni Charles Tiu, isang anchor sa CNN Philippines.

“@charlestiu kept it for 2 years! Haha now the secret’s out. Lol thanks Charles :)” sagot at paglilinaw ni Yam.

Credit: @yamconcepcion Instagram

Marami ring kapwa celebrities ang bumati kay Yam at naging masaya sa balita katulad na lamang nila Almira Muhlach, Sunshine Cruz, at Bea Santiago.

Ysha Red

error: Content is protected !!