Yamyam Gucong, ipinakilala na ang bagong silang na anak nila ng kanyang non-showbiz fiancée!

Sunod-sunod ang pagbabahagi ng comedian-actor na si Yamyam Gucong ng magandang balita sa kanyang social media account.
Credit: @gucongyamyam Instagram
Talagang masayang-masaya ngayon si Yamyam dahil sa wakas ay isa na siyang ganap na ama! Parang kailan lang nang masayang ibahagi ni Yamyam na magiging ama na siya at nang mag-gender reveal sila ng kanyang fiancée na si Elaine Toradio.
Matatandaang unang ibinahagi ni Yamyam ang pagbubuntis ng kanyang fiancée noong December 8 kasabay nang pagdiriwang niya ng kanyang ika-28 na kaarawan.
At noong nakaraang buwan lamang nang masaya naman niyang ibinalita na isang babae ang kanilang unang anak.
Pinakabagong good news nga na ibinahagi ni Yamyam ay ang pagsilang ni Elaine sa kanilang baby girl.
Credit: @gucongyamyam Instagram
Ipinanganak ni Elaine ang kanilang panganay ngayong araw, February 21, batay na rin sa latest Instagram post ni Yamyam.
Sa kanyang IG post, ipinakilala ni Yamyam sa publiko ang cute na cute nilang anak na si baby Aliah Kaye. Kalakip ng post ang litrato ng kanilang bagong silang na anak.
Caption ni Yamyam sa litrato, “Welcome to the outside world baby Aliah Kaye (baby ALI).”
Agad namang binati ng kanyang mga tagahanga si Yamyam sa pagsilang ng kanyang unang anak.
Credit: @gucongyamyam Instagram
“congrats sa inyo ng wifey mo yamyam”
“Congrats yamyam daddy ka na”
“Laking bata, congrats yamyam and wifey”
“Welcome to the world baby Ali! Congrats po kuya Yam and to your wife!”
Credit: @gucongyamyam Instagram
“What a beautiful blessing. Congrats dong Yam!”
October 2021 nang sorpresahin ni Yamyam si Elaine, na matagal na niyang kasintahan, ng isang kakaibang wedding proposal. Sa halip kasi na isang magarbong proposal o gawin ito sa ibang lugar, lumuhod si Yamyam at tinanong si Elaine ng “Will You Marry Me” sa loob mismo ng jewelry store kung saan niya binili ang kanilang engagement ring.
Ayon kay Yamyam, alam niyang “immune” na ang kanyang nobya sa mga sorpresa niya kaya para maiba naman daw ay naisip niyang sa pinagbilhan niya ng singsing ito alukin ng kasal. Napa-oo naman ni Yamyam si Elaine at ngayon nga ay happily engaged na sila at mas nauna pa ang kanilang blessing na walang iba kundi ang kanilang unang anak.
Si William “Yamyam” Gucong ay sumikat matapos siyang itanghal bilang “Ultimate Big Winner” ng “Pinoy Big Brother-Otso” noong 2019.