Yassi Pressman, ibinida ang malaking progress ng kanyang katawan matapos namaalam sa kanyang “fitness hibernation”

Overindulgent era ni Yassi Pressman, out. Fit na body, in ngayong 2023!
Credit: @yassipressman Instagram
Masarap talaga ang ipinagbabawal kaya matapos ang maraming taon na pagsunod diligently sa strict niyang diet, ibinahagi ni Yassi Pressman na pinabayaan umano niya ang kanyang sarili na maging overindulgent noong 2021.
Hindi lamang talento ng isang aktres sa pag-arte ang hinahanap ng karamihan dahil alam naman nating lahat na marami talaga sa atin ay concerned sa panlabas na anyo lalong-lalo na ang kanilang magandang mukha at katawan pero kasabay sa paglipas ng panahon, unti-unti na ring naninindigan ang celebrities at isinapuso na nga ang mga katagang: “My body my rules”.
Hindi na lamang mga katangang “simply pretty” o “talented actress” ang maaaring gamitin panglarawan sa mga aktres dito sa Philippine showbiz dahil halos lahat sila ay “empowered women” na kaya kahit anong tindi pa ng pamba-bash na kanilang matanggap ay hindi na talaga sila takot na magpakatotoo sa kanilang sarili katulad na lamang ni Yassi Pressman na hindi ikinahiya ang kanyang dagdag timbang, pagkakaroon ng stomach rolls, at thick na hita at legs dahil sadyang normal lamang ang mga ito.
Credit: @yassipressman Instagram
Ayon kay Yassi, pinagbigyan umano niya ang kanyang sarili na maging overindulgent lalong-lalo na pagdating sa pagkain at sa kabila ng natanggap niyang negatibong mga komento, hindi siya kailanman naging conscious sa pagbigat ng kanyang timbang kaya tiyak na hindi bashers ang dahilan kung bakit napagdesisyunan niya noong January 2022 na sumabak muli sa kanyang “fitness journey”.
Makalipas nga ang isang taon kung saan ay ibinuhos niya ang kanyang buong atensyon sa pagwo-workout ay mapapansin naman ang magandang resulta nito dahil sa update na ibinahagi ni Yassi sa Instagram nito lamang bago, mapapansin ang massive na progress at improvement ng kanyang katawan.
Kung noon ay may stomach rolls, ngayon naman ay flat na stomach na ang meron si Yassi at tunay nga sa kanyang sinabi na gusto niya ang kanyang “thicness,” pinanatili talaga niya ito “in its right places”.
Credit: @yassipressman Instagram
Sa video na ibinahagi ng aktres, mapapanood na sumabak siya sa kickboxing, weightlifting, dead hangs, jogging at marami pang iba. Sa pagpapasilip niya sa kanyang pagbabalik-alindog journey, matitiyak talaga na nanumbalik na ang spirit niya bilang isang “fitness enthusiast”.
Kung noon ay #YassLetsGetIt, sa wakas ay mapapalitan na ito ng #YassGotIt. Congratulations, Yassi!