Young CEO na si Glenda Victorio, namigay ng suma-total na 1 milyong piso sa lahat ng kanyang mga empleyado

Fierce talaga ang competition sa mundo ng corporate kaya karamihan sa mga CEO ay focused lamang sa kanilang araw-araw na kinikita, benefits, at production kaya nakakatuwa talaga kapag mayroong business owners na concerned din sa well-being ng kanilang mga empleyado dahil tunay nga naman na lumalago ang kompanya kapag masaya at satisfied ang lahat ng staff.
Credit: Senyora Facebook
Sa kabila ng napakaraming adversities, matagumpay naman na naitayo ni Glenda Victorio ang kanyang kompanya na Brilliant Skin Essentials na patuloy ngayong thriving dahilan kung bakit tinagurian siyang isa sa successful na young CEOs ngayon sa Pinas.
Ngayong patuloy na lumalago at lumalaki ang kanyang kompanya, mas abala talaga ngayon si Glenda pero sa kabila ng kanyang hectic na schedule na araw-araw, malaki pa rin naman ang pagpapahalaga niya sa lahat ng kanyang mga empleyado. Sa katunayan, nilibre pa nga niya ang lagpas 100 niyang mga staff sa Balesin kung saan ay nag-share siya sa kanyang blessings at namigay ng pera na umabot lang naman ng isang milyon!
Credit: Senyora Facebook
Sa video na ibinahagi ni Senyora sa kanyang Facebook page nito lamang nakaraan, mapapanood ang pagtatapon ni Miss Glenda ng pera sa ere na pinag-aagawan naman ng kanyang mga empleyado.
Ayon naman sa pahayag ng Brilliant Skin CEO, 2020 pa umano nang naganap ang event na ‘to kung saan ay nagbakasyon sila ng kanyang mga empleyado sa Balesin pero ngayon lamang ito nalaman ng netizens sa pamamagitan ng pangunguna ni Senyora.
“Dahil nai-share na ni Senyora, share ko nadin. ♥️ This is wayback 2020, nasa 100+ na staff ko ang dinala ko sa Balesin, Island. Lahat naman ng staff ko magaling pero sila yung PINAKA. 💯,” pahayag ni Miss Glenda.
Credit: Senyora Facebook
Dagdag pa niya, “Tagal na ano? PERO hindi lahat ng nangyayari, pagshe-share ko ng blessings ay inilalagay ko sa social media. 🥰😘
Normal na sa amin ‘yan, kahit hindi pasko, kahit simpleng ganap, ginagawa ko talaga yan basta masaya ako. ♥️”
Pagkukuwento pa ni Miss Glenda, maaari naman na isa-isahin na lamang ang pamimigay ng pera sa mga empleyado pero mas gusto umano niya na may thrill at nakakapag-enjoy ang lahat upang masulit din nila ang kanilang Balesin vacation.
Credit: Senyora Facebook
“Opo, pwede namang ipamigay isa-isa, pero iba kasi talaga yung saya ng may twist and thrill. 😅,” aniya.
Sobrang laki man pera na nagastos ni Miss Glenda para sa kanyang mga empleyado, hindi naman umano nito matatapatan ang fulfillment na nararamdaman niya nang nakita ang masasayang mukha ng kanyang mga empleyado.