YouTube star na si Cong TV, soon-to-be-daddy na sa unang anak nila ni Viy Cortez!

Walang pagsidlan ng kaligayahan ang sikat na YouTube couple na sina Cong TV at Viy Cortez matapos nilang malaman na sila ay buntis muli.
Credit: @viycortez Instagram
Trending ang vlog na ibinahagi ni Viy nitong December 2 kung saan masaya niyang ibinahagi ang muli niyang pagdadalang-tao.
Mapapanood sa latest vlog entry ni Viy na may pamagat na “PLASWAN” ang ilang nakakaantig na tagpo nang mapag-alaman niyang siya ay p0sitibong nagdadalang-tao.
Sa simula ng kanyang vlog, ipinakita ni Viy ang dalawang pregnancy test kit na parehong nagpapakita ng mga positibong resulta.
Credit: @viycortez Instagram
Nang makita nga ni Viy ang resulta ay hindi niya mapigilan na maiyak nang mapagtanto niyang may laman ng isang buhay ang kanyang sinapupunan.
Siyempre, ang unang tao na nakaalam ng kanyang pagbubuntis ay walang iba kundi ang kanyang partner na si Lincoln Velasquez o mas kilala ng marami bilang Cong.
Kitang-kita sa mukha ni Cong ang labis na kasiyahan nang makita ang dalawang pregnancy test na ginamit ni Viy. Sa katunayan, halos hindi pa makapaniwala si Cong na magkaka-baby muli sila ni Viy.
“Totoo ba? Ha? Hindi umiiyak ka, totoo,” sabi ni Cong.
Credit: @viycortez Instagram
Matapos namang malaman na buntis si Viy ay lumabas kaagad ang pagiging extra-protective ni Cong.
Saad pa niya kay Viy, “Matulog ka na du’n! Bawal kang gumalaw.”
Maya-maya ay nagyakapan ng mahigpit ang dalawang YouTube stars.
Lingid sa kaalaman ng marami, una nang nakaranas ng m!scarriage si Viy ang pagkalaglag sa unang anak nila ni Cong kaya naman doble ang kanilang pag-iingat ngayon.
Credit: @viycortez Instagram
Samantala, sa kabila ng magandang balita ay inamin ni Viy na natatakot siya na baka ito ay “false positive” lamang.
“Naiiyak ako kasi natatakot ako kasi, di ba, kaka-opera ko lang at negative ako nun eh, ano ‘yun eh mga two weeks ago. So kung negative ako baka false positive din ngayon. So naiiyak ako kasi baka umasa lang ako tapos hindi naman pala [totoo].”
Giit pa ni Viy, “Hindi ko alam. Nahalo-halo ang emosyon ko, naiiyak ako sa saya…Nalulungkot kasi, paano kung mawala na naman or pano kung hindi pala talaga?”
Credit: @viycortez Instagram
Nawala naman ang takot ni Viy nang sa pagbisita nila sa isang d0ktor ay narinig nila ang tibok ng puso ng kanilang 6 na linggo pang sanggol.
Talaga namang bakas sa reaksyon ni Viy ang labis na tuwa at pasasalamat sa pagdating ng kanilang unang anak.
Maging ang mga miyembro ng Team Payaman na kanilang kinabibilangan ay hindi rin maiwasang maiyak sa magandang biyaya na dumating kina Cong at Viy.
Sa ngayon naman ay pumalo na sa mahigit 5 million ang nakapanood ng vlog ni Viy sa YouTube.