Ysabel Ortega, hinangaan matapos magtapos ng kolehiyo sa gitna ng kanyang abalang karera sa showbiz

Ysabel Ortega, hinangaan matapos magtapos ng kolehiyo sa gitna ng kanyang abalang karera sa showbiz

Maraming mga showbiz personality ang ginagawa ang lahat ng kanilang makakaya para lamang makapagtapos ng pag-aaral kahit abala sila sa kanilang career. Kabilang na rito ang batang aktres na si Ysabel Ortega.

Credit: @ysabel_ortega Instagram

Lingid sa kaalaman ng marami, si Ysabel ay anak ng batikang aktor na si Lito Lapid at ngayon nga ay gumagawa siya ng kanyang sariling pangalan sa larangan ng pag-arte. Unang napanood si Ysabel sa melodrama na “Pusong Ligaw” taong 2017 at mula noon ay sunod-sunod na ang kanyang proyekto sa telebisyon.

Gayunpaman, sa kabila ng kanyang matagumpay na karera, hindi binitawan ni Ysabel ang kanyang pangarap na makapagtapos ng kolehiyo.

Credit: @ysabel_ortega Instagram

Pagkatapos nga ng 4 na taon na pagbabalanse niya sa kanyang trabaho bilang isang artista at sa kanyang pag-aaral, sa wakas ay naabot ni Ysabel ang “finish line” at natapos niya ang kanyang bachelor’s degree sa Political Economy sa University of Asia and the Pacific noon lamang nakaraang Agosto.

Credit: @ysabel_ortega Instagram

Sa kanyang Instagram, ipinost ni Ysabel ang kanyang graduation photo. Sa caption, ikinuwento niya ang mga pagsubok na kanyang pinagdaanan bago makuha ang kanyang hinahangad na diploma.

“For the past four years, I have poured my heart, my tears and my time into completing my bachelors degree and I can’t believe that I made it to the finish line. For the past four years, I worked so hard to balance my career and my studies. I remember keeping myself awake and sane in class using cans of energy drinks and coffee, along with matching nervous breakdowns whenever I had to leave exams early just to make it to work on time, vice versa,” kwento ni Ysabel.

Credit: @ysabel_ortega Instagram

Inamin din ni Ysabel na minsan ay halos paniwalaan na niya ang mga taong nagsasabi sa kanya na hindi niya kayang pagsabayin ang pag-aartista at ang pag-aaral. Ngunit sa huli, isa umano siya sa mga patunay na walang imposible sa mga taong nagsisikap.

Pahayag niya, “People told me to just choose. Some told me to drop out and focus on my work, while others told me to quit showbiz and focus on my studies instead. There were some who thought I wouldn’t be able to do both and there were times in where I was so close to believing them, but I didn’t want to give up on my dreams. Now, here I am with proof that if you put your heart into whatever you wish to achieve, you can make it happen.”

Credit: @ysabel_ortega Instagram

Tinapos naman ni Ysabel ang kanyang nakaka-inspire na kwento ng tagumpay sa pamamagitan ng pagpapasalamat sa mga taong tumulong sa kanya na marating ang rurok ng tagumpay tulad ng kanyang mga magulang, kaibigan, kaklase, propesor, at higit sa lahat ang Panginoon.

Ysha Red

error: Content is protected !!