Zeinab Harake, nagulat nang masaksihan ang pagmamaldita ni Ivana Alawi sa kanyang mga staff!

Zeinab Harake, nagulat nang masaksihan ang pagmamaldita ni Ivana Alawi sa kanyang mga staff!

Kilala ng marami ang Kapamilya actress-vlogger na si Ivana Alawi bilang isang mabait, masayahin at mapagbigay na tao. Kaya naman tila nabigla ang kapwa niya vlogger na si Zeinab Harake nang makita niyang pinagmamalditahan ni Ivana ang kanyang mga staff.

Credit: Ivana Alawi YouTube

Kamakailan lang, nagkita ang dalawa para gumawa ng vlog. Ito ang unang pagkakataon na magsasama sila sa isang vlog ngunit walang kaalam-alam si Zeinab na ipaprank siya at isang ‘malditang Ivana’ ang kanyang makaka-collab.

Nang dumating si Zeinab sa restaurant kung saan gagawin ang collab vlog nilang ‘Mukbang + Q&A’, agad nagpakita ng mala-‘big star’ attitude si Ivana pagpasok niya sa restaurant. At sa pagpili pa lang ng kanyang outfit, sinampolan kaagad niya ng pagmamaldita ang kanyang stylist.

Credit: Ivana Alawi YouTube

Bakas naman sa mukha ni Zeinab ang pagkailang habang pinapanood ang pagmamaldita ni Ivana sa kanyang staff na naulit muli nang hindi na naman nito nagustuhan ang mga inihanda nilang katanungan.

Dito na sumingit si Zeinab at pabirong sinabing, “‘Yung masaya na lang. Kailan po magdyodyowa ang isang Ivana Alawi.”

Bigla namang sinita ng manager ni Ivana si Zeinab dahil sa di umano’y personal na tanong niya sa actress-vlogger. Mas lalong hindi naging maganda ang takbo ng mga pangyayari nang magalit si Ivana sa pagsita ng kanyang manager kay Zeinab.

Credit: Ivana Alawi YouTube

Todo-sabi naman si Zeinab ng ‘okay lang’ matapos humingi sa kanya si Ivana ng pasensya dahil sa “unprofessional” na pag-uugali na ipinapakita ng kanyang mga staff.

Ngunit muling tumaas ang tensyon sa lugar nang biglang mag-walkout si Ivana. Ani nito, hindi niya nagustuhan ang pagkaing inihanda ng restaurant. Sa puntong ito’y tila naawa na si Zeinab sa mga staff lalong-lalo na sa waiter na tinatarayan ni Ivana.

Tuluyan na ngang pinatigil ni Ivana ang pagba-vlog at tinanong si Zeinab kung pwede bang i-reschedule ang kanilang collab dahil sa mga hindi magagandang nangyayari.

Credit: Ivana Alawi YouTube

Aniya, “Magre-sched tayo kasi parang hindi kami comfortable sa isa’t isa. Ayaw ni Zeinab na mag-video din. Nahihiya siya sa mga questions.”

Giit naman ni Zeinab, “Hindi naman sa ayaw kong mag-video…Kasi te… Nagkakaron ng halimbawa may questions akong ibibigay sa ‘yo, ang nangyayari may nagiging error. So ikaw, nagbo-blow up.”

Hanggang sa napuno ng tawanan ang buong venue nang biglang sumigaw si Ivana ng “It’s a prank!”

Matapos namang marinig ni Zeinab na pina-prank lang siya ni Ivana at umaarte lang itong ‘maldita’ ay hindi na niya napigilang mapamura.

“T*ngin*! Pinipilit kong ikalma ‘yung sarili ko kasi naaawa na din ako kay Kuya (waiter na kakuntsaba ni Ivana). Sabi ng PA ko, ‘Madam, okay ka lang ba?’…Kasi sabi ko, ‘Ugh!’ Pinipilit kong… baka kasi pumutok ako, may tama rin kasi ako,” natatawang saad ni Zeinab.

Credit: Ivana Alawi YouTube

Sa huli, hinangaan ni Ivana ang pagiging kalmado at pasensyoso ni Zeinab sa gitna ng kanyang pagmamaldita.

Ysha Red

error: Content is protected !!