Zeinab Harake, may surprise na performance sa Aurora Fest 2022

Gaano ba kalaki ang chance na makikita natin ang ating iniidolo sa hindi inaasahang pagkakataon? Marahil ay bibihira lamang itong mangyari dahil sa magkakaibang mundo ng isang showbiz star at isang ordinaryong fan ngunit sa isang event na ginanap sa Pampanga nito lamang, tila’y nag-collide ang mundo ng isang sikat na personalidad sa showbiz at ang mundo ng isang fan!
Credit: @zeinab_harake Instagram
Ngayon na unti-unti nang bumababa ang kas0 ng c0vid-19, panahon na rin para sa karamihan na muling maranasan ang enjoyment na labis nilang pinakahinihintay at isa na nga sa mga ito ay ang Aurora Fest 2022 na ginanap sa Clark, Pampanga kung saan ay nag-perform ang iilan sa mga sikat na singer at performers.
Kung satisfying para sa madla ang Day 1 ng event, doble naman ang fun at saya ng lahat nang nagkaroon ng surprise na appearance at performance si Zeinab Harake.
Credit: @zeinab_harake Instagram
Kahit na’y matagal-tagal na rin matapos ang huli niyang performance sa harap ng malaking crowd, hindi naman binigo ng vlogger na si Zeinab ang lahat dahil talagang ginawa niyang memorable ang ikalawang araw ng nasabing music festival.
Sa likod ng kanyang naging performance sa Aurora Fest, ikinuwento ni Zeinab na hindi umano niya inasahan ang kanyang appearance dahil orihinal umano niyang plano ay manood lamang ng performance ng iilan sa mga sikat na singer at banda katulad na lamang ng Ben&Ben, December Avenue, at Arthur Nery ngunit sa paghahanap niya ng ticket, aksidente umano itong nalaman ng organizer sa nasabing event na kaagad siyang tinanong sa pamamagitan ng kanyang handler kung gusto ba ng vlogger na mag-perform na wala namang pagdadalawang-isip na sinang-ayunan ni Zeinab.
Credit: @zeinab_harake Instagram
Ayon sa kanya, pinili umano niyang itago sa publiko na isa siya sa magpe-perform sa Aurora Fest dahil sa kanyang anxiety pero sa kabila ng kanyang pangamba, matagumpay naman niyang nabigyan ng maganda at memorable na performance ang madla.
“Sabi ko okay lang ‘yung surprise kasi hindi ako magpa-panic na expected na ng tao na nandoon ako kasi hindi ko pa kaya pero unti-unti, nag-go ako. Happy ako to be here,” pahayag ni Zeinab.
Credit: @zeinab_harake Instagram
Kahit na’y sobrang galing niya habang nagpe-perform sa stage at marami siyang taong napasaya, inamin ni Zeinab na hindi siya nagpabayad dahil ginawa umano niya ito para sa kanyang pansariling kasiyahan at para sa “Zebbies” na sobrang deserve na sumaya dahil sa kanilang walang katapusang support.
Nasa stage o nagva-vlog man, talagang nakakahanga ang abilidad ni Zeinab na mapasaya ang kanyang supporters at fans.