Zeus Collins at fiancée na si Pauline Redondo, abala ngayon sa pag-boom ng kanilang business na kasalukuyang may 43 branches!

Zeus Collins at fiancée na si Pauline Redondo, abala ngayon sa pag-boom ng kanilang business na kasalukuyang may 43 branches!

May iba’t-ibang klase ang pagiging busy dahil may iilan na exhaustion at pagod ang nakukuha dahil sa mabigat nilang workload habang mayroon namang iba na na-eenjoy ang pagiging abala nila sa trabaho dahil maliban sa kasiyahang nararamdaman nila sa ginagawa, ramdam din nila ang daloy ng pera na kinikita nila sa araw-araw. Ito ang madalas na kaganapan sa buhay ng business owners at kahit na’y kakasabak lamang ni Zeus Collins sa mundo ng business ay hindi naman siya nagrereklamo sa pamamahala ng mga negosyo.

Credit: @hashtag_zeuscollins Instagram

Bago dumating ang p@ndemya, tila’y buong buhay ni Zeus Collins ay nakasentro sa kanyang career sa showbiz bilang isang dancer at aktor kaya marami talaga siyang napagtanto nang dumalang ang natatanggap niyang opportunities at projects. Mas naging mahirap rin para sa kanya ang lahat lalo na’t siya ang bread winner ng kanilang pamilya kaya nang 50,000 pesos na lamang ang natira sa kanyang savings, kinailangan talaga niyang makahanap ng ibang pagkakakitaan.

Sa konting kaalaman ni Zeus sa pagnenegosyo, hindi talaga kailanman sumagi sa kanyang isipan na pasukin ang business world pero sa paghihikayat ng kanyang fiancée na si Pauline Redondo, nagkaroon siya ng lakas-loob na subukan ang pagnenegosyo.

Credit: @hashtag_zeuscollins Instagram

Kahit na’y isang malaking adjustment para sa Hashtag member ang lahat lalo na’t sobrang challenging lang naman ng kanyang transition mula sa pagiging isang dancer at aktor to businessman, ibinahagi ni Zeus na sobrang laki ng role na ginampanan ng kanyang fiancée dahil ito umano ang nag-push sa kanya upang ipagpatuloy ang naumpisahan nilang negosyo na “Ta Ramen Na” noong April 2021.

Credit: @hashtag_zeuscollins Instagram

Sa cooperation at dedication na inilaan ng couple sa pagnenegosyo, kaagad nilang nakamit ang success dahil matapos ang “Ta Ramen Na,” kaagad naman nila itong nasundan ng bagong business na “Le Katsu MNL” na itinayo nila noong July 2022.

Sa tuloy-tuloy na success ng kanilang food business, mayroon na silang 43 branches at open na rin sila sa franchising.

Sa magandang daloy ng kanilang negosyo, mas lalo rin na nagiging abala si Zeus pero sa kabila nito, hindi naman niya tuluyang tinatalikuran ang showbiz lalo na’t mananatiling numero uno sa kanyang puso ang pagsayaw at pag-arte.

Credit: @hashtag_zeuscollins Instagram

“Hanggang kaya ko pa, kaya ko pang sumayaw, may mga projects pa naman di ako titigil,” saad ni Zeus.

Nagsimula man sa maliit na puhunan at aminado man na walang masyadong alam sa pagnenegosyo, pinabilib naman ni Zeus Collins ang lahat dahil nagawa lang naman niyang posible ang noo’y akala niyang imposible.

Ysha Red

error: Content is protected !!