52 anyos na lalaki na estudyante sa umaga at Grab driver naman sa gabi, nagsilbing inspirasyon sa karamihan

52 anyos na lalaki na estudyante sa umaga at Grab driver naman sa gabi, nagsilbing inspirasyon sa karamihan

Kadalasan ay nakakahanap tayo ng inspirasyon mula sa ating mga magulang, kapatid, sa mga taong matagumpay sa kanilang napiling career o hindi kaya’y mula sa iniidolo nating mga artista pero may mga pagkakataon na nakakatagpo rin tayo ng bagong inspiration mula sa mga taong hindi man natin kilala sa personal pero grabe naman na umantig sa ating puso.

Credit: Benjie Estillore Facebook

Maaaring aksidente nating nababasa ang nakakaantig na mga kuwento mula sa mga pahayagan, nasasaksihan dahil sa isang documentary na kasalukuyang ipinapalabas sa telebisyon o hindi naman kaya’y bigla na lamang nating natagpuan habang nasa kalagitnaan tayo ng ating pagliliwaliw sa social media katulad na lamang sa inspiring na kuwento ng 52 taong gulang na si Benjie Estillore sa Taguig City na viral ngayon sa Facebook dahil maliban sa pagiging isang Grab driver, isa rin siyang mag-aaral na kasalukuyan ngayong nasa huling baitang ng Senior Highschool.

Bagama’t may mga tao man na pinipiling huminto sa pag-aaral dahil mas nakikita nila ang kanilang future sa labas ng paaralan, may mga tao naman na napipilitang tumigil dahil sa kahirapan ng buhay at isa na nga sa mga ito ay si Benjie Estillore na maagang naulila sa mga magulang at tanging Grade 7 lamang ang natapos.

Sa documentary na handog ng One Man Production, isinalaysay ni Benjie ang kanyang kuwento na kasalukuyan ngayong pinaghuhugutan ng lakas ng at nagsilbing inspirasyon para sa karamihan na mas magpursige pa sa pag-aaral.

Credit: Benjie Estillore Facebook

“Kaya ‘di nakapagpatuloy sa pag-aaral dahil bata pa naulila sa magulang. Gustuhin ko man na makapagtapos, nawala sila ng maaga kaya mula noon, sinisikap ko na maagang magbanat ng buto. Nag-aral ako mag-drive para buhayin ang sarili,” sabi ni Benjie.

Kumakailan lamang nang nagsimula na ang muling pagbubukas ng klase at sa larawan ni Benjie na nakasuot ng kumpletong uniform at nakahawak ng placard, marami talaga ang naantig sa kanyang determinasyon at dedikasyon na makapagtapos sa pag-aaral.

Sa umaga, maaga talagang nagsisimula ang umaga ni Benjie at sa tuwing vacant niyang oras o kapag tapos na ang klase, bumabyahe naman siya upang kumita. Bagama’t divided man ang kanyang atensyon sa dalawang bagay, maayos pa rin naman na nababalanse ni Benjie ang kanyang oras.

Credit: News5 Facebook

Minsan namang tumigil sa pag-aaral dahil sa matinding kahirapan, nais naman ni Benjie Estillore ngayon na makapagtapos dahil sa malaking pagpapahalaga niya sa edukasyon. Dahil sa kanyang nakakabilib na determination, marami ngayon ang inspired na mas pagbutihin pa ang kanilang pag-aaral.

Ysha Red

error: Content is protected !!