9 taong gulang na bata sa Sampaloc, patok sa netizens dahil sa galing sa pagkanta

Pang-international talaga ang talento nating mga Pinoy. Nasa larangan man ng pag-awit o pagsayaw ay talagang nangingibabaw ang ating ipinagmamalaking mga pambato at sa bawat paglipas ng mga panahon, unti-unti rin na umaangat sa kasikatan ang iba pang artists o simpleng dreamer katulad na lamang ng “internet sensation” ngayon na si Keozaki Nudalo na pinahanga lang naman ang netizens dahil sa kanyang whistle na mala-Mariah Carey!
Credit: Nicole Ann Nudalo Facebook
Kahit nasaang sulok man ng bansa, mahahanap at mapapansin pa rin ng karamihan ang mga Pinoy na may awesome na talent. Bagama’t wala mang kahit anong connection sa showbiz, nagawa pa rin ng 9 na taong gulang na si Keozaki Nudalo mula sa Sampaloc, Manila na maagaw ang atensyon at mabihag ang puso ng netizens dahil sa kanyang nakakabilib na pagkanta sa hit-song na “Emotions” ni Mariah Carey.
Ayon sa kapatid ni Keozaki na si Nicole Ann Nudalo, may simpleng get-together umano ang kanilang pamilya at mga kamag-anak nang sumabak sa pagka-karaoke ang batang si Keozaki. Sa hindi nila inaasahan, ang simpleng bonding ay naging mini-concert umano ng kapatid dahil sa mahusay nitong pag-awit sa kantang “Emotions”. Kahit na’y puno ng pagbirit ang kanta, hindi man lang nahirapan ang bata. Sa katunayan, ipinamalas pa niya ang kanyang kakayahan sa pag-whistle.
Credit: Nicole Ann Nudalo Facebook
Dahil sa husay at galing na ipinamalas ni Keozaki dagdagan pa ng kanyang whistle na mala-Mariah Carey, talagang nag-viral sa social media ang kanyang video na unang ibinahagi ng kanyang nakatatandang kapatid sa Facebook.
Ilang araw matapos ibahagi ng kapatid ni Keozaki ang kanyang karaoke performance, ilang ulit siyang na-feauture sa iba’t-ibang media outlet.
Credit: Nicole Ann Nudalo Facebook
Ngayon na exposed na sa publiko ang nakakahangang talento ni Keozaki sa pagkanta at pag-whistle, marami sa netizens ang naniniwalang napakalaki ng kanyang potential na magtagumpay sa larangan ng pag-awit. May iilan pa nga na nagsasabing kayang-kaya na niyang makipagsabayan sa ibang Pinay icons na sina Morisette Amon, Jona Viray, Jessica Sanchez at iba pa.
Credit: Nicole Ann Nudalo Facebook
Sa ngayon, umabot na ng libo-libong reactions, comments, at shares ang orihinal na video ni Keozaki Nudalo at dahil marami sa netizens ang napa-wow sa kanyang talento, talagang inaasahan ng karamihan na masaksihan pa ang ibang performances ng bata.