Alamin ang kuwento ni Rachel Lucañas, ang babaeng nagtagumpay sa negosyong ukay-ukay

Walang imposible para sa taong may pangarap!
Viral ngayon sa social media ang kuwento ni Rachel Lucañas, ang babaeng nagbigay inspirasyon sa mga taong unti-unti nang nawawalan ng pag-asa na mapalago ang kanilang negosyo.
Credit: Rachel Lacunas Facebook
Sa likod ng matatagumpay na pangarap ng mga tao ay ang kanilang nakaka-inspire na mga kuwento sa buhay. Katulad na lamang ni Rachel Lucañas na nagawang mapagtagumpayan ang kanyang negosyo na ukay-ukay.
Dahil sa murang halaga at magagandang kalidad ng mga ukay-ukay na damit, patok na patok ito ngayon sa customers ngunit hindi lahat ng mga sumasabak sa negosyong ito ay nagtatagumpay. Bibihira lamang sa mga taong nagbebenta ng ukay-ukay ang nagagawang palaguin ang negosyo dahil na rin sa napakaraming competitors lalo na nang nitong may p@ndemya kung saan ay may kanya-kanyang diskarte ang mga tao para lang mabuhay.
Credit: Rachel Lacunas Facebook
Sa kabila ng mga potensyal na rason na maaaring magpapa-bankrupt sa isang negosyo, may isang babae na talagang ipinagpatuloy ang kanyang pangarap at ito ay si Rachel Lucañas. Isa siyang graduate sa kolehiyo sa kursong Business Administration major in Business Management noong 2016 sa University of Batangas.
Sa likod ng nakamit na tagumpay ni Rachel, hindi naging madali ang daan niya patungo sa pangarap. Sa mahirap na kompetisyon sa negosyong ukay-ukay, ang pagsubok na dulot ng p@ndemya, ang pagdududa ng mga tao sa kanyang potensyal bilang isang negosyante, at dahil na rin sa kanyang maliit na kaalaman tungkol sa pagpapatakbo ng business dahil napakalayo ng kanyang natapos na kurso, hindi ito naging dahilan para sukuan ni Rachel ang pangarap.
Credit: Rachel Lacunas Facebook
Kuwento ni Rachel, nagsimula umano siya sa isang bulto ng ukay-ukay kung saan ay siya pa mismo ang nagmomodelo at nagbebenta nito sa online hanggang sa dumami nang dumami ang kanyang mga benta at customers.
Dahil sa kanyang maayos na pamamalakad sa negosyo, isa na ngayong distributor si Rachel ng mga ukay-ukay sa bawat bahagi ng Pilipinas. Kung noon ay siya ang bumibili ng mga ukay-ukay upang maibenta, si Rachel na ngayon ang nagsu-supply at nilalapitan ng kanyang customers.
Credit: Rachel Lacunas Facebook
Sa patuloy na paglago ng negosyo ni Rachel, nagawa niyang mapaayos ang bahay ng kanyang pamiya at mabigyan ang mga ito ng masaganang buhay. Maliban sa kanyang pamilya, labis din na nakaramdam ng pagka-proud si Rachel sa katotohanang marami na rin siyang natulungan at nabigyan ng mga trabaho.
Isang taon na rin mula ngayon simula nang nakabili siya ng van na nagagamit na niya ngayon sa tuwing may deliveries siya ng ukay-ukay.