Alex Eala, kinabiliban ng kapwa mga Pinoy dahil sa kanyang historic na triumph sa US Open Juniors!

Alex Eala, kinabiliban ng kapwa mga Pinoy dahil sa kanyang historic na triumph sa US Open Juniors!

Hindi tayo kailanman nabibigo sa pagdiriwang sa pagkapanalo ng atletang mga Pinoy na kasalukuyan ngayong humahakot ng mga parangal at awards sa international na mga competition katulad na lamang ni Alexandra Eala na kumakailan lamang ay nakabuo ng historic na triumph sa larangan ng tennis!

Credit: US Open Tennis Championships Facebook

World class talaga ang talento nating mga Pinoy at halos taon-taon na lamang nating naririnig ang pagsungkit ng Pinoy athletes ng mga medalya at trophies sa internasyonal na competitions pero tila’y hindi pa rin talaga tayo nagsasawang ipagmalaki sila sa buong mundo lalo na ngayong kakapanalo lamang ni Alexandra Eala na isang tennis prodigy sa US Open Juniors na ginanap nito lamang Linggo sa New York.

2019 pa lamang nang unang sumali si Alex Eala sa international na mga kompetisyon at mula pa man noon ay humahakot na talaga siya ng mga medalya at sandamakmak na awards at trophies pero tila’y “golden year” ni Eala ang taong 2022 dahil sa wakas, nagwagi lang naman siya laban kay World No. 3 Lucie Havlickova sa Czech Republic at inuwi ang parangal na deserve ng Philippine tennis.

Credit: US Open Tennis Championships Facebook

Sa pagkapanalong ito ni Eala, itinanghal siya bilang ang kauna-unahang Pinoy na nakasungkit ng Grand Slam sa nasabing competition dahilan kung bakit sobrong proud ngayon ang sambayanang Pilipino at kaliwa’t kanan na nagpabatid ng kanilang kasiyahan sa 17 taong gulang na athlete.

Hawak ang napanalunang trophy, nagbigay ng speech si Eala kung saan ay nagsalita siya sa wikang Filipino at ipinahayag ang kanyang buong pasasalamat at pagmamahal sa kanyang pamilya, Pinoy supporters, sa Rafael Nadal Academy, at of course sa kapwa niya tennis athletes sa Pilipinas.

“Buong puso ko ‘itong ipinaglaban. Hindi lang para sa sarili ko, kung hindi para makatulong din ako sa kinabukasan ng Philippine tennis. So hindi lang ito panalo ko, panalo nating lahat,” emosyonal na pahayag ni Eala.

Credit: US Open Tennis Championships Facebook

Sa edad na 17, nasungkit na ni Alex Eala ang isa sa pinakamalaking achievement sa kanyang buong career bilang isang athlete sa larangan ng tennis pero nananatili pa rin siyang humble at mas determinado pa ngayon na pagsumikapan na masungkit ang tagumpay sa susunod pa niyang mga laban.

Congratulations, Alex Eala! Labis kang ipinagmamalaki ng sambayanang Pilipino.

Ysha Red

error: Content is protected !!