Anak na handang gawin ang mga gawaing bahay para makapagpahinga ang nanay, hinangaan!

Anak na handang gawin ang mga gawaing bahay para makapagpahinga ang nanay, hinangaan!

Kung tungkulin ng mga magulang ay ang maibigay ang pangunahing mga pangangailangan ng kanilang mga anak, responsibilidad din ng mga ito na mapagaan kahit kaunti man lang ang araw-araw na mga gawain sa bahay.

Sa paglipas ng panahon, tila’y marami na ang nakakalimot nito ngunit may iilan pa rin naman na talagang lumaking pinapahalagahan ang kanilang duties at responsibilities bilang isang anak. Hindi lamang usong mga sayaw, kanta o hindi kaya’y tahanan ng mga nakakatawang contents ang hatid ng Tiktok dahil natatagpuan din rito ang nakaka-touch na mga kuwento katulad na lamang ng nag-viral na video ng isang mag-ina na casual na nag-uusap.

@rosant_denn Gusto kong i-share sa inyo kung gaano kabait na anak si Freyden, matulungin sa bahay maalaga samin kahit minsan ayun nga masungit kay Fey 😅 Ganyan yan talaga kausap minsan mas malambing pa magsalita. 7 yrs old pa lang yan inaalagaan na ako 🥺 #Freyden #rosantdenn #fyp2022 ♬ original sound – rosant_denn – rosant_denn on IG

Aktibo sa Tiktok si Momshie Denn Rosant Bulalayao. Maliban sa pagsabak niya sa trending na mga sayaw, patuloy din siya sa pagbabahagi sa mga wholesome na kaganapan sa kanilang pamilya lalong-lalo na tungkol sa kanyang mga anak na ubod ng kabaitan.

Hindi katulad ng typical na mga binata ngayon, sweet at clingy si Freyden. Bagama’t 17 taong gulang naman, hindi pa rin nababawasan ang kanyang sweetness dahil sobrang close lang naman niya sa kanyang Momshie Denn at maalaga rin siya sa kanyang nakababatang mga kapatid. Isang makeup artist si Momshie Denn at sa tuwing may raket siya, kampante umano siyang umaalis dahil sobrang responsable at maalaga umano si Freyden.

“Pag may raket ako, like photographer po kase ako na makeup artist na freelance lang. Sobrang bihira lang ako tumanggap ng client kaya kapag umaalis ako panatag akong iwan sa kanya mga kapatid niya pati yung bunso kong may autism,” kuwento niya.

Sa video na ibinahagi niya sa Tiktok nito lamang, muli na namang masasaksihan ang kabaitan ni Freyden. Wala itong kaalam-alam na pasikreto palang nagvi-video ang kanyang Momshie Denn habang nag-uusap sila at kumakain ng meryenda na personal niyang hinanda.

Ayon kay Momshie Denn, pagod umano siya dahil napakarami pa niyang dapat gawin katulad na lamang ng pagsasampay ng nilabhang mga damit, paghuhugas ng pinggan at iba pa pero kaagad na nagboluntaryo si Freyden na siya na umano ang mag-aasikaso sa lahat. Dahil sa kabaitang ipinakita ni Freyden, kaagad na nagpahayag ng praises ang netizens.

“He’s the standard ”

“He’ll be a good husband someday. “

“10/10 GRABEE!!!! HE’S THE STANDARD”

“grabe walking GREEN FLAAAAG ”

Upang maitaguyod ng maayos ang pamilya, doble talaga ang pagkayod ng mga magulang upang matustusan ang bawat pangangailan ng kanilang mga anak. Hindi talaga biro ang lahat ng ginagawa nila sa araw-araw kaya malaking tulong para sa kanila ang pagkakaroon ng responsable at mababait na mga anak.

Ysha Red

error: Content is protected !!