Apat na buwang gulang na sanggol, good vibes ang hatid sa ceremony ng kanyang binyag

Apat na buwang gulang na sanggol, good vibes ang hatid sa ceremony ng kanyang binyag

Natatandaan niyo pa ba ang video ng apat na buwang sanggol na lalaki na ibinida ang kanyang kakulitan sa ceremony ng kanyang binyag? Viral na siya ngayon dahil super dami palang naaliw sa bibo moment niyang ito!

Credit: Chinee Cyrel Facebook

Unpredictable talaga ang reaksyon at actions ng mga bata pero usually, bagot at sleepy ang mga ito kapag binibinyagan pero ibahin niyo ang apat na buwang sanggol na si baby Xyrel mula sa Cebu City dahil taliwas lang naman sa expectation ng kanyang parents ang naging reaksyon niya sa kabuuang ceremony ng kanyang binyag.

Credit: Chinee Cyrel Facebook

Ayon sa kanyang Mommy na si Chinee Cyrel, buong akala umano niya’y mayayamot ang anak habang nasa kalagitnaan ng ceremony ng kanyang binyag ngunit taliwas sa kanyang expectation ang ginawa ni baby Xyrel dahil imbes na mabagot, panay lang naman ang pagtawa at paghagikhik nito habang kaharap ang pari.

Sa video na ibinahagi ni Chinee Cyrel sa Facebook, masasaksihan ang biglaang pagtawa ni baby Xyrel habang super solemn naman ng kanyang paligid. Dahil sa nakaka-good vibes na moment na ito ng chikiting, umani ng 22k+ shares at milyon-milyong views ang nasabing video dahilan kung bakit sobrang saya at grateful ng Mommy ni baby Xyrel.

“It’s been a week since I posted this video that I had no idea would go viral, and I am so happy and proud of my son that millions of people are smiling while watching his video, and I appreciate everyone who has left positive comments and reactions,” sabi ni Chinee Cyrel.

Credit: Chinee Cyrel Facebook

Ayon pa sa Mommy ni baby Xyrel, nais umano niyang ibahagi ang memorable at precious na moment na ito kapag lumaki na ang anak at sobrang excited umano siyang masaksihan kung ano ang magiging reaksyon nito kapag mapapanood na ng chikiting ang video.

Dahil sa pagbida ni baby Xyrel sa kanyang kakulitan sa seremonya ng kanyang binyag, hindi lamang netizens ang na-touch at naaliw sa sanggol dahil umabot na rin ito sa TV dahilan kung bakit itinuturing na internet sensation ngayon ang apat na buwang sanggol!

Credit: Chinee Cyrel Facebook

Aba, kakaiba talaga kapag ipinanganak para makapaghatid ng kasiyahan.

Ysha Red

error: Content is protected !!