Babae, nag-viral matapos ibenta online ang mga gamit ng Mister niyang ‘cheater’

Babae, nag-viral matapos ibenta online ang mga gamit ng Mister niyang ‘cheater’

Sinu-sino ba rito ang sawi sa pag-ibig? Aba’y maghanap na kayo ng paraan kung paano niyo icha-channel ang lahat ng sakit, kirot, at frustration. Kung ang iba’y pinipili na ibaon lamang sa limot ang nararamdaman, may mga tao rin na naghahanap ng pagkakaabalahan katulad na lamang ni Jamille Margarita Galvez na napiling ibenta online ang lahat ng gamit ng asawa niyang ‘nangaliwa’ umano.

Credit: Jamille Margarita Galvez Facebook

Huwebes nang nag-post ng larawan sa official niyang Facebook account si Jamille Margarita Galvez kung saan ay makikita ang mga gamit ng kanyang ‘sumakabilang bahay’ na asawa katulad na lamang ng mga damit, pantalon, mga sapatos, belts, at iba pa.

“Hi guys! Magliveselling ako ng gamit ng ASAWA KO NA SUMAKABILANG BAHAY NA.🤭,” sulat ni Jamille sa unang bahagi ng kanyang caption.

Credit: Jamille Margarita Galvez Facebook

Pagbibiro pa niya, “📌CAUTION: BUY AT YOUR OWN RISK, MAY SUMPA TO SIGURADO MAGIGING BABAERO UNG BF O ASAWA NIYO! HAHAHA”

Of course, may twist pa ang kanyang online selling dahil nilagyan talaga niya ng hugot ang bawat item katulad na lamang ng:

“Super MURA nalang, kasi di naman marunong magMAHAL ung may-ari😂”

“Lahat ng items MATINO pa, ung may-ari lang ung hindi😂”

Credit: Jamille Margarita Galvez Facebook

“ORIG lahat to walang fake, di naman ako MANLOLOKO gaya nung may-ari😂”

Ayon pa kay Jamille, ganito umano ang nangyayari kapag niloko ang isang businesswoman.

Dahil sa kakaibang pamamaraan ng pagla-live selling ni Jamille, umabot na ng 9, 000 reacts at mahigit 28, 000 views ang kanyang unang video sa Facebook.

Dahil sa kanyang karanasan, may payo si Jamille para sa kapwa niyang mga babae at asawa na niloko rin ng kanilang partner.

Credit: Jamille Margarita Galvez Facebook

“Sa mga iniwan din ng asawa nila, ito na ‘yung sign niyo para hanapin ‘yung gamit ng asawa niyo diyan. Ibenta niyo na rin. Huwag kayong magtabi ng basura sa bahay,” payo niya sa kanyang viewers.

Dahil sa hindi inaasahan na pag-boom ng kanyang unang live selling sa Facebook, sinundan pa ito ni Jamille ng Part 2 nitong Lunes, Marso 28 at kasalukuyan ngayong umabot ng 17, 000 reacts at 5.2K comments mula sa netizens.

Dahil ‘sumakabilang bahay’ na ang kanyang Mister, mag-isa ngayong tinataguyod ni Jamille ang tatlo nilang anak.

Ysha Red

error: Content is protected !!