Baby na nakipag-apir sa paring nagbibinyag sa kanya, kinaaliwan!

Ano ba ang kadalasang ginagawa ng mga tao kapag sila’y bored at nasa bahay lamang? Isa sa mga pamamaraan natin sa pagtatanggal ng stress ay ang pagsu-surf sa Internet o hindi kaya’y panonood ng iba’t-ibang videos sa Facebook o hindi kaya’y sa Tiktok. Marahil ay dahil sa boredom, kung saan-saan na lamang tayo napupunta ngunit worth it naman ang lahat dahil kadalasan, nakakapanood tayo ng nakakatuwang videos na awtomatikong nakakapawi ng stress at pagod.
Viral ngayon sa Tiktok ang ibinahaging video ni Alyanah Jane Desiata Coscos kung saan ay mapapanod ang isang baby na kung tawagin niyang si baby Zaggy habang ito’y binibinyagan ng pari. Habang nasa kalagitnaan ng pagbabasa ang pari sa kanyang ritual, bigla na lamang nakipag-high five ang bata at ginaya ang nakataas na kamay ng pari.
@aalyanah03 Welcome to the Christian World cutie zaggy 😘Hahaha ara ka bugay 😂 #babyoftiktok #fyp #fypシ #funnybaby #cute #baby ♬ Funny Laugh no no no – Sound Effect
Dahil sa purong kainosentehan ni baby Zaggy, nag-struggle talaga ang kanyang Mommy na magpil sa kanyang tawa dahil supposedly, solemn dapat ang binyag pero dahil sa pilya moments ng kanyang anak, nauwi ito sa katatawanan.
Hindi lamang dito natatapos ang kakulitan ni baby Zaggy dahil panay din ang kanyang tawa. Ayon sa netizens, kakaiba umano ang bata kumpara sa iba dahil sa tuwing binibinyagan, kadalasan sa mga ito ay umiiyak o nagta-tantrums ngunit tila’y kalmado lamang si baby Zaggy.
Kahit na’y binubuhusan na ng holy water ang kanyang ulo, hindi pa rin napalitan ang expression ni baby Zaggy at nanatiling good mood dahilan kung bakit panggigigil ang nararamdaman ng karamihan sa netizens.
“galing ni baby very good 🥰🥰”
“sabi ni baby “high five father” 😂”
“positive attitude si baby..”
“high five si baby😂😁”
“made my day 😂”
“cute ni baby napag tripan si Father”
“I can’t stop watching napaka cuteee”
Sa ngayon, kasalukuyan nang may 6 milyon views ang mismong video sa Tiktok habang lagpas 3 milyon naman sa orihinal na video na parehong ibinahagi ni Alyanah Coscos.
Dahil sa pilya moments at cuteness overload ni baby Zaggy, nabihag niya ang puso ng netizens at awtomatikong nakapagbigay sa atin ng kasiyahan.