Batang viral ngayon sa social media dahil sa kanyang pambihirang artwork, kinaaliwan ng netizens

Batang viral ngayon sa social media dahil sa kanyang pambihirang artwork, kinaaliwan ng netizens

Sa pagtungtong ng mga bata sa edad na 2 at pataas, nakikitaan na talaga sila ng kanilang mga magulang ng potential at kung paano ito i-handle ay criticial sa kanilang development kaya importante talaga na balanced ang reinforcement tsaka punishment na naaayon naman sa pag-unawa ng mga chikiting.

Credit:Johnel Brioso Facebook

Sa kanilang observation araw-araw, ang madalas talagang nasasaksihan ng mga bata mula sa mga nakakatandang tao na nakapaligid sa kanila ay ang pagsusulat o ‘di kaya’y pagguhit kaya natural lamang na gayahin nila ang mga ito pero sa napakamura nilang edad, hindi talaga nila kaagad ito natututunan kaya kung anu-ano na lamang ang kanilang nagagawa pero kung lapis o ballpen ang ginagamit nating adults sa tuwing gumuguhit at nagsusulat ay tila’y may kakaibang paraan naman ang batang viral ngayon sa social media dahil idinaan lang naman niya sa isang pambihirang method ang kanyang artwork!

Sa video na ibinahagi ng isang netizen sa Facebook na si Johnel Brioso nito lamang nakaraang mga linggo, mapapanood ang kanyang chikiting na si baby Bujoy na gumuguhit ng sandamakmak na circles sa kanilang sahig gamit ang biberon na may laman pang gatas.

Mahihimigan naman sa video na in-upload ng kanyang Daddy Johnel na magkahalo ang emosyon nito dahil kahit na’y masaya siya sa improvement at artistic na side ng anak ay na-stress pa rin siya dahil mamahaling gatas umano ang ginamit nito!

Credit:Johnel Brioso Facebook

“Ang ganda ng artwork. Proud ako sa’yo, anak. Ang saya-saya ko, anak. Medyo masakit lang. Medyo naiinis na ako ng konti, anak. Mahal ‘yan (gatas) anak,” maririnig na sabi ni Johnel habang pinapanood ang anak na nagpapatuloy sa kanyang artwork.

Dahil sa kakaiba at pambihirang tool na ginamit ni baby Bujoy sa pagguhit, hindi naman naiwasan ng netizens na matawa at maaliw.

“Ginawang lapis at ballpen Ang dede nya hahaha 不不不不不”

“wow art”

Credit:Johnel Brioso Facebook

“may future sa art si baby不不”

“Best artwork ever!”

“Tingin ko magiging pintor ang anak mo paglaki…pero kakaiba ang painting material nya.”

Sino nga ba naman ang hindi maaagaw ang pansin na napaka-unique lang naman ng artwork ni baby Bujoy? Tunay nga na naiiba ang pagcha-channel niya sa kanyang artistic na personality kaya talagang marami ang naaliw sa pagiging bibo nito.

Ysha Red

error: Content is protected !!